Part 4

61 2 0
                                    


  Rose PoV

It's me again! I'm Rose Jean Villanueva.
Nandito kami sa gate ng King's University. Ang bongga grabe. May pa fountain pa sa labas. Ang taray! Yieehh! I'm egzoyted.

Jennie PoV

Hi, I'm Jennie Kit Gonzales, kanang kamay ni Queen Lili/Lia. Gaya ng inaasahan ko, mas maganda talaga sa loob ng University. Malawak, malinis, at maganda talaga. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang dean's office para kunin ang schedule namin. Maraming estudyante ang napapatingin samin pero wala kaming pake, lalo na si Lia.

Juris PoV

Hi! Ako si Juris Thea Kim, ang pinaka cute! Kyahh! Ang daming gwapo ditoo! Dito nalang ako forever .. hihi. joke lang. wala palang forever..

Merliah PoV

Maganda naman dito kahit papano. Atleast, walang Thalia ang bubwisit sa araw ko. Nakapamulsang naglalakad ako ng may makabanggaan akong lalaki.

"What the fuck? Tignan mo nga dinadaanan mo!" bulyaw sakin ng lalaking ito. Great! Wala ngang Thalia, may iba naman.

"We should be the one who say's that." sabi ni Jennie.  

  "Right. So get out of our way." sabi ni Rose. Ngumisi yung lalaking kaharap ko.

"Mukhang hindi nyo kilala ang kaharap nyo ngayon ah. Transferee?" sabat nung isang pandak na katapat ni Rose.

"Eh ano ngayon?" sabi ni Juris.

"Baka sila yung sinasabi ni Tita Kyla, King." dinig kong bulong nung lalaking matangkad na katapat ni Jennie. Lalong ngumisi ang lalaking kaharap ko.

"So, ikaw ang kapatid ni Sarah Mendoza?" tanong niya sakin. Pano naman nya nakilala ang kapatid ko?

"Silence means yes. Btw, im the son of the owner of this school." sabi niya. and so? wapakels.

"I'm Tyler James Perez." yung katapat ni Jennie.

"Mark Jin Lopez." yung katapat ni Juris.

"Joshua Mint Park. JM for short." yung katapat ni Rose.

"Last but not the least, im Krest Luke Trias, mi lady." sabi nito sabay kuha ng kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

WHAT THE FUCK?!

  Jennie PoV

What the fudge! H-hinalikan niya ang palad ni Queen este Lia. Wala pang lalaki ang nakagawa nyan sa kanya bukod kay Dr- nevermind!. Hindi na ako nagulat ng bigla niyang sikmuraan ang pangahas na lalaking 'to. Napa ngisi na lang ako sa inasal ni Lia kahit kelan talaga, napaka-

"Cute ka kapag naka ganyan." sabi ng lalaking nasa harap ko. Nawala ang ngisi ko at napataas ang kilay ko.

"Pero mas cute ka kapag naka taray ka." sabi pa niya pero inirapan ko lang. Pa bibo ang lalaking 'to ah, halatang playboy. Psh.

Rose PoV

Hahaha. Namimilipit na sa sakit yung lalaking humalik sa palad ni Lia ng sipain pa niya ito sa 'treasure' nito.

"Ahh! Shit! Pag ako nabaog, lagot ka talaga sakin! damn!" sabi nung lalaki pero wala pa ding pake si Lia.

"Ang ganda mo pag nakangiti." Nawala ang ngiti ko ng magsalita ang pandak na nasa harap ko.

"I know." malamig na sabi ko. Nang maglakad na paalis si Lia ay sumunod na kami sa kanya. Nadinig ko pang sumigaw yung lalaki kanina pero wapakels na.  

Cold Queen's vs. Hot King'sWhere stories live. Discover now