Titig

7 1 0
                                    


Uy nakatingin siya.

Hala nakatitig siya.

Nakipagtitigan ako sa kanya.

Unti-unti siyang ngumingiti.

Namula naman ako at napa yuko.

Muli ko siyang sinulyapan.

At nakatitig pa rin siya sa akin.

Habang tinititigan ko ang kanyang mata nakita ko ang isang repleksyon.

Napalingon ako at nakita si Hera.

Tinitigan kong muli ang mga mata niya.

Hindi nga sa akin ang titig niya.

Kundi sa babaeng dilag sa likod ko.

Kinindatan niya ito.

Napangiti naman si Hera. 

At lumabas sa bibig niya na walang boses ang katagang "Mahal Kita."

Sila pala.

Akala ko ako ang kanyang gusto.

Nakaramdam na lang ako ng kakaiba.

Parang may kung ano...

Kasi.....

Nasasaktan ang puso ko.

--------

Sorry for some typographic and grammatical errors.

Save shits today.

-Pharell G.

Pharell's Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon