"Wala! Walang pwedeng gumala!"
"Ma, ngayon lang po naman eh."
"Hindi pwede!"
Napayuko na lang ako sa pagsuko.
ㅡㅡ
"Ma, may practice po kami sa park."
"Hindi pwede! Ang layo layo roon!"
"Pero ma----"
"Walang pero pero! Walang lalabas!"
ㅡㅡ
"Pasesya na Joan. Hindi ka namin malilista kasi hindi ka sumama sa practice."
"Ganun ba?"
"Oo. Alam mo naman kasi diba? Sabi ni Sir kailangan 'yung mga nakasama lang ang may grade."
"Sige. Okay lang. Pasensya rin kasi hindi ako nakapunta."
ㅡㅡ
"Ma, gagawa raw kami ng projects sa bahay nila Josh."
"Hindi pwede! Sa bahay pa talaga ng lalaki ah? Naglalandi ka na ah? Wala kang baon ng isang linggo!"
ㅡㅡ
"Joan, ambag mo raw?"
"Pwede bang pautang muna? Wala kasi akong pera ngayon eh."
"Nako Joan, kahit gusto ko man eh wala rin akong pera."
"Wala kasi akong pera talaga eh." napayuko ako sa hiya
"Pasensya na Joan pero mawawalan ka ng grade kay Ma'am."
"Okay lang. Pasensya na rin."
ㅡㅡ
"Joan!"
Napatayo ako sa kaba.
"P-Po?"
"Anong pinag gagawa mo at naibagsak mo lahat ng subjects ha!?"
"Eh kasi ma------"
"Kasi inuuna mo ang paglalandi mo kaya ka bumagsak! Talagang ginagalit mo ako! Huwag kang lalabas ng bahay!"
ㅡㅡ
"Ma, papasok na po ako."
"Diba sabi kong walang lalabas ng bahay ha!?"
"Pero ma---"
"Pero gusto mong pumasok para makipaglandian? Ganyan ba kita pinalaki Joan!?"
Napayuko ako't muling bumalik sa kwarto ko at nahiga.
ㅡㅡ
"Dapa!"
"Ma! Sorry po! Sorry!" pagmamakaawa ko
"Naiinis na talaga ako sa'yo! Punong puno na ako sa kalandian mo! Kaya dapat sa'yo pinaparusahan para matuto!"
Wala na akong nagawa nang sunod sunod niya akong pinalo ng kahoy sa likod.
Dahil nakita niya ang report card ko na puro blanko
ㅡㅡ
"Joan, ito ang sweldo mo. Nakakabilib ka at masipag ka. Unang buwan mo pa lang dito."
"Kailangan po kasi eh."
"Napakasipag mo talaga. Sige na't umuwi ka na at medyo gabi na rin."
ㅡㅡ
"Ba't gabi ka na nakauwi!? Diba alas kwatro ng hapon ang uwian niyo! Saan ka na naman nagpunta!?"
"Ma---"
Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang hinalughog niya ang bag ko at nakita ang sobre na may naglalamang sahod ko sa coffee shop na lihim kong pinagtratrabahuhan para sa aking pangangailangan at gastusin sa pag-aaral.
Nanlalaki ang kanyang mata at dali daling kinuha ang kahoy.
"Ito ba ang ibinigay sa'yo nung nilandi mo ha!?"
ㅡㅡ
"Joan, ito oh kain ka muna." hinawakan ako sa kamay ni Beth pero agad kong iniiwas ito
"O-Okay lang ako."
"Joan, nangangayayat ka na. Pinapakain ka ba sa bahay niyo? Baka makaapekto sa pag-aaral mo 'yan." nag-aalalang sambit ni Beth, ang kaklase ko
"Okay lang ako. Huwag kang mag-alala."
Nginitian ko siya ng tipid.
ㅡㅡ
"Pasalamat ka at mataas ang grado mo dito sa report card kung hindi alam mo ang mangyayari sa'yo."
"Opo ma...."
ㅡㅡ
"Nakagraduate ka na, maghanap ka na ng trabaho! 'Wag kang tutunga tunganga dito at 'wag kang maglalandi!"
"Opo..."
ㅡㅡ
Habang pauwi ako galing sa paghahanap ng trabaho ay naramdaman ko na lang na bumigay ang katawan ko.
Pero kahit na hinang hina na ako ay nakikita ko pa rin kahit malabo ang paligid.
Tumayo akong muli. Sa gulat ko ay napalingon ako sa umalalay sa akin.
"Okay ka lang ba miss?"
"Opo kuya...."
"Ihahatid na kita."
Hindi na ako tumanggi pa at itinuro ang daan sa bahay.
ㅡㅡ
"Bwisit kang bata ka! At nagdala ka pa ng lalaki dito! Diba sabi ko 'wag kang maglalandi?!"
Galit na galit kong sermon muli sa anak kong si Joan. At dali dali silang sinugod at sinampal ng malakas sa pisngi ang aking anak.
"Ate!" gulat na sigaw ng lalaki
"Ano? Kaya mo bang buhayin ang anak ko ha!?"
"Nagkakamali po kayo! Hinatid ko lang siya dito dahil nakita ko siya sa kalye kanina na hinang hina at nahihimatay."
Tila parang may sumabog na kung ano sa utak ko at napatingin sa anak kong nakahiga sa sahig dahil sa lakas ng sampal ko. Lumakas ang tibok ng puso ko nang makitang hindi na ito gumagalaw.
"J-Joan?"
Walang sagot akong natanggap.
Huminto ang mundo ko nang pagkatapos tignan ng lalaki ang anak ko ay sinabing patay na ito. Patay na si Joan.
Pasensya na anak sa lahat ng kasalanan ko. Ayoko lang naman matulad ka sa akin eh, nagahasa dahil sa hindi ako prinotektahan ng akin ina. Akala ko ay tama ang ginagawa ko... Pero mali pala... Mali pala ako. At huli na ang lahat.
-
Sorry for some typographic and grammatical errors.
Save shits today.
-Pharell G.
BINABASA MO ANG
Pharell's Thoughts
Short StorySome short shots stories that came out of my mind. Such as shits.