Birthday ko na bukas.Nakatitig lang ako sa kisame habang nakahiga. Ilang segundo akong nakatulala bago ako nakatulog.
Umaga na pero parang wala lang ang araw na'to, parang ordinaryong araw lang din.
Bumaba ako pagdating ko sa kusina ay naroon ang ulam na may takip.
Nauna na silang kumain.
Tahimik lang akong nag-agahan at dumiretso pabalik sa kwarto ko.
Nakaupo lang ako at nakatulala sa pintuan.
Nakakalungkot kasi wala man lang nakaalala na birthday ko ngayon.
Si mama hindi ako binati at tutok na tutok siya sa panonood ng teleserye.
Nang kinagabihan na, nawalan na ako ng pag-asang maalala nila ang birthday ko.
Okay lang sana kahit wala akong handa pero sana kahit may bumati man lang sa akin kahit isa, wala.
Tinanggal ko ang birthdate ko sa social media kase akala ko alam nila kung kailan ang birthday ko. Pero kahit ni isa sa kanila wala ring bumati.
Napakasayang araw naman ngayon.
11:30 pm dumating si papa galing trabaho.
Pinapunta niya ako sa kusina at nakita ko ang isang cake na hindi man kalakihan pero sakto na para mapangiti ako.
Tulog na sila mama at kuya.
"Happy birthday bunso. Pasensya ka na anak ha, yan lang kaya kong bilhin ngayon eh. Wala man lang akong gift sayo." sabi ni papa habang naghahanda ng platito
"Okay lang po pa, salamat po."
"Osige wish ka na at bago ka matulog kumain ka muna ng cake."
Pumikit ako at ngumiti, taimtim kong ibinulong sa isipan ang matagal ko nang kahilingan.
"Thank you po ulit pa."
"Sige anak, mauna na ako ah? Pagod na ako galing trabaho e."
"Sige po."
---------
"Oh bakit may cake dito?" tanong ng mama niya
"Hmm? Bakit walang bawas? Pinakain ko si bunso kagabi ah." sabi ng kanyang ama
"Uyy cake, pahinge." kumuha agad ng platito ang kuya niya at sabik na humati sa cake
"Binati mo ba si bunso kahapon? Birthday niya ah." sabi ng papa niya
"Ah? Birthday pala ng bunso, nakalimutan ko." pagsasawalang bahala ng kanyang ina
"Ito naman, kinakalimutan mo pa talaga ang birthday ng bunso. Tsk." umakyat papuntang kwarto ang papa niya "Anak? Tara almusal ka muna." katok nito ngunit walang sumagot
Binuksan niya ang pinto at nanlaki ang mga mata sa nakasabit. Ang anak niya.
Namumutla na ang balat nito at nanlalamig habang nakasabit sa kisame. Mayroong papel na nasa higaan nito.
Kahit na nanghihina ang kanyang ama ay pinilit nitong pumunta sa higaan ng anak at binasa ang papel.
"Ito ang kahilingan ko ngayong birthday ko. Dati ko pang gustong maglaho sa mundo pero ngayon, ngayon na matutupad ang matagal ko ng hiling. Masyado na akong kinain ng kalungkutan ko, wala ng pakealam sa akin si mama kasi ang tingin niya sakin ay walang kwentang anak. Ni hindi niya ako pinapansin at hindi man lang niya ako nababati tuwing birthday ko. May galit sakin si mama kasi bunga daw ako ng kamalian kaya naman tatapusin ko na lang ang buhay ko para mawala na ang isang pagkakamali sa buhay ni mama at maging masaya na ulit siya. Si papa pa talaga na hindi ko tunay na ama ang nakaalala ng kaarawan ko at nag-iisang bumati pero okay lang. Happy birthday to me. :)"
---------------
Sorry for some typographic and grammatical errors.
Save shits today.
-Pharell G.
BINABASA MO ANG
Pharell's Thoughts
Short StorySome short shots stories that came out of my mind. Such as shits.