Kanta

4 1 0
                                    


Sobrang attractive ako sa lalaking marunong kumanta, lalo na kapag marunong pa tumugtog ng gitara.

Wala akong magawa at nag i-scroll down and up lang ako sa newsfeed ko. Nang biglang may nakita akong isang video ng lalaki na kumakanta habang nag gigitara.

Sobrang lamig ng boses niya. Napapikit ako nang pakinggan ito. Ugh, nakakainlove yung boses niya dagdagan mo pa yung pag gigitara niya sobrang swabe.

Simula nun sinubaybayan ko every videos niya. Ginawa kong pampatulog ang boses niya.

Kapag malungkot ako, mapakinggan ko lang ang boses niya ay okay na ako.

I'm inlove.

Pero one day nalaman kong may kasintahan na siya.

Nadurog ang puso ko nun pero anong magagawa ko?

Ilang araw ang lumipas nakilala ng lahat ang kasintahan niya pero teka...

Patay na ang kasintahan niya 2 years ago.

Ang mga kanta niya ay nakaalay dito pero di ako makapaniwala kasi yung mukha nung kasintahan niya ay...

Kamukha ko... kasi ako yun. Teka, kasintahan ko siya? At PATAY NA AKO!?

2 years ago...

Mayroong magkasintahan ang papauwi na mula sa kanilang date.

Sobrang saya nila. Habang naglalakad sila sa madilim na iskinita ay patuloy sa pagkanta ang lalaki.

Ang kaso sa dulo ng iskenita... mayroong panganib na naghihintay sa kanila.

Matatapos na ang masaya nilang pagsasama.

Pag kadating nila sa dulo nasalubong nila ang madaming lalaki.

Kinabahan ang babaeng kasintahan niya pero sinubukan nilang hindi pansinin ang mga ito kaso hinarang sila nito.

At doon nagsimula ang bangungot nila.

Narape ang kanyang kasintahan at pagkatapos ay pinagsasaksak nila ito at isinako.

Kitang-kita niya ang ginagawa sa girlfriend niya ang kaso wala siyang magawa kahit na sumigaw di niya magawa.

Bukod sa may busal ang bibig, ay bugbog ang katawan niya lalo na ang tiyan niya.

Ang tangi niya lang magawa ay pagmasdan ang pangbababoy ng mga lalaki sa kasintahan niya at umiyak lang.

Pagkatapos irape at patayin ang girlfriend niya ay siya ang sunod na pinagtripan.

Tinanggal ang busal sa kanyang bibig para makapag salita.

Kahit na hinang hina siya ay sinubukan niya pa rin magsalita.

"Rosela... p-pasensiya na ma-mahal k-ko..."

Pinatakan ng mga sindikato ang kanyang mata ng isang asido para mandilim ang paningin nito at nakatulog sa sobrang panghihina.

Nakalipas ang ilang buwan, nagising ang lalaki sa malambot na higaan minumulat niya ang mata niya pero kadiliman lang ang nakikita niya.

Hinayaan siyang mabuhay ng mga lalaki ngunit ginawa siyang bulag.

Tuwing matutulog siya ay lagi niyang napapaginipan ang ginawa sa kanyang kasintahan.

Gusto na niyang magpakamatay dahil parang nasa impyerno na rin siya kahit na buhay pa siya.

Nabaliw siya sa loob ng isang taon.

Nakarecover siya sa bangungot pero lagi pa ring umiiyak kaya naman pinalipas niya ang bawat araw sa pagkanta at pagkapa ng gitara.

Lagi niyang ginagawan ng kanta ang kanyang pinakamamahal na babae sa mundo.

Bulag man siya pero nararamdaman niya ang presensya ng kanyang mahal sa kanyang tabi tuwing siya'y tumutugtog.

"Miss na kita mahal... kailan ba kita makakasama?" pagtatapos niya sa awiting inaalay sa mahal niya.

"Malapit na mahal, konting tiis na lang." sagot ng babae sa gilid niya

"R-Rosela? Ikaw ba yan?" sunod sunod muling tumulo ang luha niya

"Konting tiis na lang mahal magsasama na tayong muli."

"Hihintayin ko yan mahal..."

Dalawang buwan ang lumipas ay naabutan ng pamilya ng lalaki na wala ng buhay ang kanyang katawan na nakahiga sa kama.

Sa wakas, nagkasama rin silang muli. Maaalayan niya muli ng isang awitin ang kanyang pinakamamahal na babae at makikita na niyang muli ang ngiti nito.

---------

Sorry for some typographic and grammatical errors.

Save shits today.

-Pharell G.

Pharell's Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon