12:30 am naglalaro pa rin ako ng online game.Nakakaadik kasi itong larong dahil madami na rin naglalaro nito.
Bukod sa pagiging maganda ng laro ay dito ko rin ibinibuhos lahat ng mga nararamdaman ko.
Pag nagagalit, laro.
Pag nalulungkot, laro.
Pag madaming problema, laro.
Pag biglang umaatake ang sakit ko, laro.
Kaya labis ko talagang ibinubuhos ang oras ko dito. Kahit na anong pagdaanan ko basta maka laro lang ako kayang kaya ko ng kalimutan ang lahat.
Kumbaga ito ang gamot ko.
Pero habang naglalaro ako ay labis na nag init ang ulo ko nang biglang nawalan ng connection.
P*TANGINA PINATAY NA NAMAN INTERNET!? P*TANGINANG BUHAY TO.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pagtitimpi ng galit.
Nasa game pa ako! P*tang ina baka matalo pa ako dito!
Sa sobrang galit ko ay tumayo ako sa pagkakahiga at pumunta sa kwarto ni mama.
Nandito kasi ang router, gusto niya kasi na malapit sa kanya para kapag galit siya ay papatayin niya ito.
Kaya lagi akong badtrip sa p*tanginang bahay na'to.
Muli kong binuhay ang wifi at bago ako lumabas ng kwarto ay naisipan kong gawin ang matagal ko ng pinaplano.
Pagbalik ko ng kwarto ay pinunasan ko ang dugo sa aking kamay at pinagpatuloy ang paglalaro.
Salamat naman at hindi pa natatalo kung hindi, ewan ko na lang kung anong ginawa ko sa kanya.
-
Nagising ako sa tili ng mama ko.
Siguro nakita na niya na putol ang hintuturo niya.
Hay, sa susunod di na niya ma te-turn off ang wifi at kung patayin niyang muli buong kamay na niya ako puputulin ko.
;)
Connected to Wifi 9086
Family not in range.---
Sorry for some typographic and grammatical errors.
Save shits today.
-Pharell G.
BINABASA MO ANG
Pharell's Thoughts
Short StorySome short shots stories that came out of my mind. Such as shits.