Kaibigan

6 1 0
                                    


Sobrang saya sa feeling kapag ayaw kang mawala ng isang tao sa buhay niya. Itinuturing ka niya bilang kalahati ng puso niya na kapag nawala ka mahihirapan na siyang mabuhay.

Katulad na lang ni Elaine. Ginawa niya akong kalahati ng puso niya. Isang matalik na kaibigan.

Pero nag-iba si Elaine nang dumating si Lorensa. Okay na sa kanya kahit wala ako sa tabi niya.

Dati kapag gagala kami kailangan kasama ako para sumama rin siya, pero ngayon kahit wala ako sasama pa rin siya.

Dati kapag ayaw ko sa ibang bagay, ayaw na rin niya duon.

Dati kapag nawala ako sa tabi niya hinahanap na agad niya ako, ngayon ni hindi niya napapansin na lumalayo ako minsan kasi nasasaktan ako.

Para na niya akong binaliwala, kapag nandiyan si Lorensa parang bigla na lang akong naglalaho sa paligid niya.

Masyado akong nakampante na sa akin lang nakatuon ang atensyo niya bilang isang kaibigan pero...

Nung dumating si Lorensa, naging pangalawa na lang ako sa kanya.

Tuwing uwian, nauuna na akong maglakad pauwi dahil alam kong hihintayin niya si Lorensa kaysa sabayan ako pauwi.

Kapag breaktime pumupunta ako ng dulong table dahil alam kong mas gusto niyang kasabay kumain si Lorensa.

Kapag may group work kami, nakikisaling pusa na lang ako sa ibang grupo dahil alam ko namang naiirita siya kapag nakikisawsaw ako sa usapan nila ni Lorensa.

Naaalala niya lang ako kapag kailangan niya ng tulong ko. Pero pag wala na, balik ulit siya kay Lorensa.

Oo, triny ko ring kaibiganin si Lorensa pero parang nandidiri siya sa akin at kapag sumasabay ako sa usapan nila hindi nila ako pinapansin.

Kumbaga kapag magsalita ako, titignan nila ako saglit at balik sila sa usapan at tawanan nilang dalawa.

Ilang gabi akong tulala at tinanong ang sarili kung may pagkukulang ba ako bilang kaibigan.

Umiiyak ako tuwing matutulog dahil para bang yung dating iisang taong nagpapahalaga sa'kin ngayon ay binabaliwala na rin ako.

Wala nang may pakealam sa akin.

Parang gusto ko na lang mamatay.

Madaling araw, tulog na ang pamilya ko. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng kutsilyo.

Umupo ako sa bangko at pinagmasdan ang talim nito. Kitang kita ko ang sarili kong repleksyon mula rito at may nakita akong kakaiba sa likod ko.

Isang itim na usok...

Hiniwa ko ang pisngi ko at tumulo ang dugo dito. Wala akong nararamdaman na kahit ano at tinikman ko pa ang sarili kong dugo.

Napakasarap...

Hiniwa ko ang palad ko at bumuslak ang dugo mula rito, pinahid ko ito sa mukha ko.

Napakasarap sa pakiramdam... Para akong naliligo ng malamig na tubig.

Kinabukasan, tahimik lang ako sa school walang pakialam sa paligid.

Napansin ni Elaine ang guhit sa pisngi ko pero tinabig ko ang kamay niya at sinuot ako hoodie ko.

Nakayuko lang ako magdamag, pero ramdam ko ang tinginan sa akin ng mga kaklase at kamag-aral ko.

Nang makauwi ako ay wala sila mama, umalis siguro sila kaya naman napag-isipan kong papuntahin si Elaine dito.

Nang dumating siya tulad ng inaasahan, kasama niya si Lorensa.

Pilit akong ngumiti at pinapasok sila.

Makalipas ang dalawang taon napakasaya kong tao.

Nasa puso na ulit ako ni Elaine, nagkasundo na rin kami ni Lorensa.

Lagi nang nakangiti sa akin ang pamilya ko kapag nakatingin ako sa kanila.

Nagtatalon ako paakyat ng kwarto. Binuksan ko ang malaking kabinet at kinuha ang isa sa paborito kong koleksyon.

Si Elaine.

Nakabukas ang dibdib nito kitang kita ang puso niyang nangingitim at mayroong nakaukit na pangalan ko.

Nasa puso niya pa rin ako.

Pinagmasdan ko ang pamilya kong naagnas na at mayroong uod na mga ngipin nila. Si Lorensa naman ay nakasabit lang ang ulo, yung katawan niya kasi nakakadiri pinamahayan na ng ipis noong nakaraan kaya naman itinapon ko na.

Pagkatapos kong linisan at tanggalin ang mga bulate sa puso ni Elaine ay sunod ko namang lilinisan ay ang naaagnas na katawan ng pamilya ko at linisan ang ngipin nilang mayroong bulate. Kailangan kong linisan para maganda ang ngiti nila sa akin.

Dalawang taon na ang lumipas, dalawang taon ko nang inaalagaan ang mga katawan nila, parang gusto kong humanap ng panibagong kaibigan at pamilya.

Hmmm... san kaya ang susunod?

Pwede bang diyan naman ako sa inyo? Hihihi. On the way na ako. :)

----------

Sorry for some typographic and grammatical errors.

Save shits today.

-Pharell G.

Pharell's Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon