Pagod na pagod ako nung araw na yon.Nag-overtime pa kasi ako sa trabaho ko, tapos nag sideline pa ng 5 hours.
Nung maihiga ko ang aking katawan ay ramdam ko na ang sakit ng buong katawan ko.
At simula nung araw na yon, lagi nang sumasakit ang ulo ko.
Hindi ko alam kung bakit pero siguro dala ng pagod nung mga nakaraang araw.
Pero lumipas ang isang linggo patuloy lang sa pagsakit ang ulo kaya naman nag pa check-up na ako.
Sinabi ko ang kalagayan ko at ang nararamdaman ko sa doctor at halos mahilo na ako habang kausap pa lang siya.
Nagsimula siyang ilawan ang aking mata, ilong, at bibig.
Pag kasilip niya sa aking tenga ay bigla siyang napatayo.
"Bakit po doc?" nanghihina kong tanong dahil sa sakit ng ulo
"Isa lang ang dahilan ng iyong pagsakit ng ulo... meroong namamahay na gagamba sa loob ng tenga mo."
Bigla akong natakot sa sinabi niya, hinihiling na hindi totoo ang sinasabi niya.
"Mahihirapan kaming tanggalin ito dahil maari siyang sumuksok sa oras na hilain namin ang gagamba. At kaya siguro sumasakit ang ulo mo ay dahil nangingitlog na ito..."
Parang isang bangungot ang rebelasyon.
Nung kailan lang masaya lang akong nabubuhay kahit na laging pagod pero ngayon bakit ganito?
Bakit ako pa?
Bakit sakin pa ipinaranas to?
Bakit!?
At nagsabay ang sakit ng ulo ko at galit ko kaya naman pilit ko dinudutdot ng daliri ang tenga ko.
Pinipigilan ako ng doctor ngunit sa pwersa ko ay hindi niya ako kayang pigilan.
Alis diyan! P*tang*na kang gagamba ka alis!
Hanggang sa naramdaman kong gumalaw ito... ngunit papaloob.
AAAAAAHHHHHH! TULOOOOONG! ALISIN NIYO TO PLEASE! AYOKO NITO! TULUNGAN NIYO KO PLEASEEEE!!
At doon ay nagdilim na ang paningin ko.
--------
Another nightmare? Based on true story that I seen yesterday. Be careful... and cover your ears.
Save shits today.
-Pharell G.
BINABASA MO ANG
Pharell's Thoughts
Short StorySome short shots stories that came out of my mind. Such as shits.