Yosi

15 1 1
                                    


"Ang ganda talaga ng baby ko manang mana sa mama niya." sabi ko habang titig na titig sa anak ko

"Hay nako nambola ka pa ha!" kinikilig naman na suway ng asawa ko

"Bakit? Kung hindi sa'yo nagmana edi sa'kin?" biro ko kaya naman nahampas ako

"Hay nako! Kumain ka na nga."

"Sandali lang mahal ah, bibili lang ako ng yosi sa labas."

"Yosi na naman, bawas-bawasan mo pagyoyosi mo baka kung mapano pa ang baby natin."

"Hindi yan mahal."

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa tindahan ni Aling Rosa, ang chismosang tindera.

"Pabili po, mighty pula po tatlo."

Walang imik akong binentahan nito at habang palayo ako ay ramdam ko ang titig niya. Chismosa nga naman.

Pero bago ako makalayo ay narinig ko na ang chismis niya.

"Hay nako yang robert na yan at asawa niya baliw na talaga! Sa totoo lang ayaw ko talagang bentahan yan."

"Oo nga eh may sapak sa ulo yung mag-asawa na yan, mabisyo at pariwala na ang buhay ni Robert tapos inasawa pa ni Linda."

"Sayang ang ganda ni Linda, nabaliw tuloy pati siya. Kawawa naman yung baby nila sa sobrang kabaliwan nila hindi nila alam na patay na ang anak nila."

"Ha? Natuluyan na yung anak niya?"

"Oo kakayosi kasi niyang baliw na Robert nalanghap lahat ng usok, ayun ang kinalabasan ng baga ng bata, kawawa."

"Ano na itsura ng baby ngayon? Naku kawawa naman."

Nangunot ang noo ko sa chismisan nilang dalawa at napalingon napahinto naman sila sa pagsasalita at nagkunwaring hindi nag-uusap.

Anong patay na ang baby ko? Sila ata ang baliw buhay na buhay ang baby ko no.

Pagkauwi ko ay tinignan ko ang mag ina kong natutulog sa kwarto.

Napangiti na lang ako nang makita kong pinapadede ni Linda ang nangingitim kong baby, ang cute talaga nilang dalawa.

-

Sorry for some typographic and grammatical errors.

Save shits today.

-Pharell G.

Pharell's Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon