One Shot

99 7 0
                                    

Ang mga tauhan at pangyayari ay bunga lamang ng imahinasyon ng manunulat.

PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHED BY LAW.










"Patrick anak kumain ka muna!" Tawag ni Mama mula sa kusina.


Mag-aalas sais palang ng umaga ngunit heto ako. Bihis na bihis at handa nang mamasada gamit ang taxi na pinundar ng mga magulang ko.

"Nagkape na po ako Ma. Mamaya nalang ako kakain kaya sarapan mo yung pananghalian ah!"

"Aba'y ikaw na bata ka baka mahilo ka sa daan!" Muli nyang tugon.

"Ma, sabi ng ABS ko dont worry. Kahit ilang dekada pa'ko hindi kakain, hindi mawawala 'to."

"ABS ba? Ha? A Big Stomach ka'mo!" Bulyaw nya sakin at humalakhak pa.

"Tsk. Binubuking mo'ko eh. O, sya. Alis nako Ma. Bye!" Humalik na ako sa pisngi nya at umalis.

Nagmamaneho na ako ng taxi at derecho lang ang tingin sa daan. Hindi paman ako nakalagpas sa tulay, napahinto ako dahil may pumarang babae. Nakasuot sya ng pulang bestida. Mukha syang bold star, este-artista.

Pumasok na sya at naupo sa front seat, sa tabi ko.

"Isang magandang umaga para sa napakagandang Binibini." Bati ko.

Ngunit hindi sya nagsalita.

"Magandang umaga rin sayo, poging Patrick." Bati ko sa sarili ko. Napahiya ako dun ah!

Aksidenteng nagtama ang mga tingin naming dalawa sa salamin. Doon ko napansin na balot ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

"Ah, saan ka bababa Miss?"

"Just..... drive." Ayon sa wakas narinig ko na rin ang boses nya.

"Alam mo Miss, bagay sayo ang nakangiti. Bagay dyan sa suot mong bestida. Mukha kang bold star kapag nakasimangot ka-

Gag* ka Patrick ano ba ang pinagsasasabi mo?

"A-ang ibig kong sabihin ano... Ahmm... Ngumiti ka lang palagi kasi ang ganda mo. Yun. Hehe." Napakamot ako sa ulo ko.

"Ibaba mo ako sa simbahan."

Ayon, nagbayad sya saka bumaba.

"Miss baka gusto mong daanan kita dito pagkatapos?"

Umiling lang sya. Hays, Patrick. Ayaw nung tao. Kaya lubayan mo na.

Binuhay ko nalang ang makina ng taxi at nagpatuloy sa pamamasada.

Ngayon lang ako nakakita ng ganun kagandang mukha. Sa'n kaya sya nakatira?

**

"Oh Patrick? Sinarapan ko na yang pananghalian mo ah. Ba't di mo parin ginagalaw ang pagkain?"

Wala ako sa tamang katinuan kaya hindi ko napansing nagsalita na pala si Mama

"Hoy! Masama pag hintayin ang pagkain!"

Ayon, nahimasmasan ako

"A-ano po yun Ma?" Tanong ko at napakunot-noo naman sya.

"Ang pagkain mo nilalangaw."

"Ah. Oo nga pala. Ano kasi Ma.. May naisakay ako na babae kanina. Pumara sya sa tulay. Mukha syang boldst- artista Ma! A-artista."

"Ano naman ngayon?" Nagtatakang tanong ni Mama.

Humagalpak ako sa tawa.

"HAHAHAHAHAHA MA ANG KORNI KO EH. HAHAHAHAHAHAHAHA PERO SA TINGIN KO NA-LOVE AT FIRST SIGHT AKO SA KANYA. HAHAHAHAHA KORNI DIBA MA?"

The Passenger (ONE SHOT)Where stories live. Discover now