Prologue; Mahal kita kahit Gangster ka(MKKGK)

698 21 3
                                    

Babaeng playgirl o sa madaling salita
Fuckgirl walang alam kundi saktan ang
mga lalaki.Sinasanto ang salitang "TEMPORARY" at ayaw na ayaw ang salitang "FOREVER"......hanggang sa mahanap nya ang tunay na lalaki na nararapat sa kanya?
Magiging happy ending kaya ang love story nila o may isa sa kanilang mawawala at mag papaalam

Napakadilim ng paligid walang kahit anong tunog ang iyong maririnig. Iminulat ko ang aking mga mata pero tanging itim lang ang aking nakikita

Nakaramdam ako ng takot at pangamba pinilit kong tumayo pero nanlalambot ang aking mga paa.

Nakita ko ang pintuang may liwanag kaya gumapang ako patungo duon

nababalutan ako ng sarili kong mga dugo at nagmamanhid narin ang aking buong katawan pero pinilit ko paring makarating duon

Biglang nag liwanag ang aking paligid at nakita ko sa malayo ang lalaking aking iniibig

Nakangiti sya saken at lumapit, tumulo ang mga luha ko at pinilit kong tumayo ngunit ng akoy makatayo na biglang nag dilim uli ang paligid

Binalik ko ang aking tingen sa direksyon kung nasan ang aking iniibig ngunit wala na sya dun

Nakarinig ako ng mga taong papalapit sa akin ngunit sa sobrang dilim ay wala parin akong makita tanging mga tunog lang ng kanilang mga sapatos ang aking naririnig

Bigla naman itong tumigil at bumukas ang ilaw malapit sa akin

Tumingin ako dun at napansin ang isang lalaking walang pantaas na damit puno rin ng pasa at mga sugat ang kanyang katawan

"Mahal ko" bulong ko sa aking sarili

Lalapit na sana ako sa kanya ng may dumating na naka itim na damit at may hawak na baril

Itinutok nya ito sa ulo ng aking iniibig

"Mahal na mahal kita krizzia yan ang lagi mong tatandaan" sigaw nya saken bago ipinutok ng lalaki ang baril sa aking iniibig

"Waggggg!"


___________

Ito po ang unang story na ginawa ko I hope na matapos nyo hanggang dulo! Thankyou po♡

FACEBBOOK: Jaille Gomez II
WATTPAD: @itsprivate35
INSTAGRAM: @itsprivate35
TWITTER: @Dmnjll

Para naman po sa facebook page naten hindi pa po ako nakakagawa pero try ko po na gumawa

Enjoy....

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon