CHAPTER 12

151 7 0
                                    


Nakaupo kami ngayon ni Christian sa puno ng narra sa likod ng library

Ewan ko nga kung bakit hanggang ngayon sunod parin ng sunod ang lalaking ito saken

"Ayos ka na ba?" tanong nya saken.

Napaisip naman ako bigla, bat nga ba ako umiyak kanina? Pati sarili ko hindi ko narin maintindihan

Yung pananakit ng dibdib ko habang kasama nya yung babae kanina pati narin yung pag tulo ng luha ko, yung sobrang pag tibok ng puso ko pag kasama ko sya at yung pamumula ng pisnge ko kapag kinukulit nya ko. Lahat ng yun hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng ganun.

Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa mangyayari saken

Humiga muna ako sa damuhan ang tumingin sa kalangitan.

"Ano ibigsabihin pag sumakit yung dibdib mo pag nakita mo yung lalaki na may kasamang ibang babae?" tanong ko sa kanya.

"Ano ba sila nung lalaki?" napaisip naman ako

Ano ko nga ba si Jacob? Tangina wala talaga akong maintindihan.

"Kapag bigla kanalang nagagalit sa isang tao at sumasakit bigla ang dibdib mo kapag nakita mong may kasama syang iba, isa lang ang ibig sabihin nun nag seselos ka kasi may iba syang pinag tutuunan ng pansin o sa madaling salita may gusto ka dun sa lalaki."

Gu-gusto? So ibig sabihin may gusto ako kay Jacob? Ganun ba yun?

"Eh kapag bigla nalang bumibilis yung tibok ng puso mo kapag kasama mo sya, ano meaning nun?" ganun lagi nararamdaman ko e.

"Edi gusto mo nga sya, sabi mo nga kanina bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso mo kapag kasama mo sya isa lang ang ibigsabihin nun inlove ka sa kanya" ngumiti pa sya saken habang sinasabi ang lahat ng iyon

So gusto ko nga si Jacob? Inlove ako sa kanya. Hindi ko man aminin pero yun ang sinasabi ng  puso ko.

"No.hindi pwede" tumayo nako at tumakbo papunta kung saan nakaparada ang motor ko

Hindi pwede na mag kagusto ako sa kanya. Hindi ngayon.

Pwede naman siguro na pigilan itong pagkagusto ko sakanya diba?

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon