CHAPTER 24

45 4 0
                                    

YOW! SORRY SA NAPAKATAGAL KONG HINDI PAG UUPDATE. Sobrang busy lang hehe pero MAG UUPDATE NA PO KO LAGI MGA 3 CHAPTER SA ISANG LINGGO GANUN!! pag sinipag HAHAHA

enjoy:>
____________________

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko na nasa tabi ng higaan ko. Bumangon na agad ako at napatakbo nalang sa CR ng maduwal nanaman. Sobrang weird na talaga!

Kailangan ko na ata mag patingin sa doctor baka nga tama yung hula ko na buntis nga ako!!

Naligo nalang ako at pagkatapos ay inihanda na ang sarili para sa pag pasok sa skwelahan. Matagal narin akong absent at hindi pa uli ako nakakapasok simula nung namatay si Mama. Pihadong marami nanaman akong hahabulin na mga subject pero kailangan e para sa future ko den yun lalong lalo na wala nakong magulang na sumusuporta saken.

Kumain muna ko ng mabilis tapos binilisan ko na yung galaw ko para di ako maubusan ng taxi na sasakyan papunta sa school namin. Tutal wala nakong driver tapos yung sasakyan ko naman, wala lang nakatengga lang di ko na napapagawa uli kaya wala akong chooice kundi mag taxi nalang.

Pagbukas ko palang ng gate ay bumungad agad saken si Carl na nag iintay sa labas ng bahay namin. Napadako naman ang tingin ko sa uniform na suot niya, naka suot din kase ito ng uniform na katulad ng sa school namin. At nakasandal pa talaga ito sa labas ng magara niyang sasakyan. kapal den!

"Bilisan mo naman, malalate na tayo"  Nagtataka naman akong lumapit sa kaniya at hinampas siya ng bag na hawak ko

"Hoyy utoy ang pagkakaalam ko hindi tayo parihas ng school na pinapasukan. Aba! naligaw ka ata?" abno talaga ang isang ito

Umirap pa siya bago nagsalita "pake mo ba gusto ko pumasok sa school nyo e" pota attitude pa?

Sumakay na agad ako sa sasakyan niya at malakas na sinarado ang pinto nito. Bahala na pag nasira ito, mayaman naman ang angkan nila. Barya lang pagpapagawa nito.

"Sisirain mo ba yan" nakasimangot niyang bungad saken ng makapasok na ako

"Bat ka kase nandito tapos sa school ka pa namin mag aaral? Sira ata ulo mo e" tumawa lang siya saken tapos sumimangot uli

"Gusto ko nga mag aral dun sa inyo, trip ko lang kumbaga pero syempre di talaga ko mag aaral. Mang chichix lang hehe" binatukan ko naman agad ito at masamang tumingin sa kanya

"Sumbong kita sa mama mo!" bigla naman siyang sumeryoso at tumingin nalang sa unahan

"Tuloy mamaya ha"

Napag usapan na kase namin kagabi na pagkatapos ng klase ko ay sasamahan niya ko para mapanood ko den yung cctv fotage kung saan nakita daw nila si Jacob na andun sa malapit sa bahay namin. Di talaga ako naniniwala na siya yung bumaril kay mama. May tiwala rin naman ako sa gagong yun syempre mahal ko e.

"Intayin mo ko ha sabay na tayo umuwe" di nalang ako sumagot at tumingin nalang sa labas ng bintana para makapag isip kahit walang isip.

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon