CHAPTER 23

52 4 0
                                    

Napalayo naman agad ako sa kanya ng maamoy ang mabaho niyang pabango na nanggagaling sa damit at katawan niya. Tinakpan ko naman agad yung ilong ko gamit ang kamay ko dahil kung hindi masusuka talaga ako anytim

"Ang baho mo!" habang nakatakip parin yung kamay sa ilong ko.

Lumayo naman agad siya saken at nagtataka pang tumingin saken bago inamoy yung sarili niya.

"Hindi naman ah" tinarayan ko lang siya at sinaraduhan uli yung gate kaso napigilan nanaman niya 

"Misis naman mag usap muna tayo, di mo ba ako namimiss?" syempre sobrang miss na kita. Pero kailangan hindi ako marupok ngayon pag dating sa kaniya kaya hindi yun ang sinabi ko

"Syempre hindi" at tinalikudan nalang siya at naglakad pabalik ng bahay.

ramdam ko naman na sumusunod siya saken pero hinayaan ko nalang at dumiretsyo papasok ng bahay.

"Misis, uy kausapin mo naman ako" ay ang kulit!!!

Hinila pa niya yung kamay ko papalapit sa kaniya pero tinulak ko agad siya ng maamoy nanaman ang mabaho niyang pabango

"Lumayo ka nga saken! ang baho mo talaga" konti nalang talaga sisipain ko nato hanggang sa hindi na siya makalapit saken.

"Misis naman, naligo naman ako ah tapos diba love na love mo pa nga kung pabango ko. Inaamoy mo pa nga ko nung nag loving loving tayo" ABA! ang lakas talaga ng self confedence ng hinayupak nato! pinaalala pa talaga yung ginawa namin dun sa condo niya!!

"HOYY ANONG LOVING LOVING KA DIYAN!! saka dati lang yung malay ko ba na ang baho na ngayon nito pag naaamoy ko! di ka yata nag sabon e nung naligo ka. Saka wag mo kong ma MISIS MISIS  DIYAN!" gago talaga itong lalaking ito sinisira yung araw ko!

ngumiti lang siya saken at nakakalokong tumingin saken.

"Buntis ka ba?" napatingin naman agad ako sa kaniya at napaisip.

NO!NO!NO! hindi yun pwede. Hindi pa ko ready sa mga ganyang bagay. Napaisip naman agad ako at tumingin sa tiyan ko. Tangina kalma ka lang self okeyy? hindi yan totoo. Wag kang maniniwala sa pinagsasabi niyang manloloko yang. OMYGOSHH! bakit hindi ko naisip yun!

Nagtatakbo naman agad ako papunta sa kwarto ko at inilock yun para hindi siya makapasok. Kinuwa ko agad yung cellphone ko at nag search sa google kung pano malalaman na buntis ka ba o hindi. Pinindot ko agad ang unang article na nakita ko at binasa ang mga iyon

PANO NGA BA MALALAMAN NA BUNTIS KA? ITO ANG MGA KARANIWANG SINTOMAS NG PAGBUBUNTIS:                                                                                                     
>matinding pagod
>pagsusuka sa umaga
>pananakit ng ulo
>pagkahilo o pagsusuka dahil sa nagiging sensitibo ang mga ilong ng mga ina dahil sa matatapang na amoy na kanilang naamoy.

Nang mabasa ko ang lahat ng mga nakasulat doon ay hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil lahat ng mga nakalagay doon ay umaayon sa nararamdaman ko palagi. Kaya ba parang nasusuka ako nung naamoy ko yung matapang na pabango ni Jacob kanina kase buntis ako? Saka yung pagsusuka sa umaga, tangina lagi ko yung nararamaman!

Nabigla naman ako ng pumasok si Jacob sa loob ng kwarto ko at nakakaloko paring tumingin saken.

"Ayos ka lang ba Misis?" punyeta talaga.

Lumayo naman agad ako sa kaniya at itinago ang cellphone ko sa drawer na malapit sa higaan ko bago bumaling sa kaniya

"Umalis ka na, ayaw kong makita yung pagmumuka mo!" kahit sa tunay, pinipigilan ko lang talaga yung sarili ko na hindi kurutin yung pisnge niya. Pag napapatingin ako dun nanggigigil talaga ako dun

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon