CHAPTER 22

46 3 0
                                    


"Si Maam po, nabaril po. Si Maam po nabaril po" paulit ulit niyang sinasabi yun saken at wala nakong nagawa ng bumagsak ang hawak kong telepono sa aking kamay

Noooooo! wag si mama!putangina...!

Pagkarating ko sa ospital na tinext saken ni Mang Junny, binilisan ko na agad na tumakbo papunta sa ICU kung saan nandun si Mama

Bawat hakbang ko ay palakas ng palakas ang tibok at kabog sa dibdib ko. Parang anytime mahuhulog ito!

"Maam krizzia!" bungad saken ni Mang Junny na may mga bakas pa ng dugo sa puting damit na suot

"Asan si mama" kinakabang tanong ko sa kanya

"Nasa loob pa po" tumango naman ako at umupo sa mga nakahilirang mga upuan

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto sa harapan namin at lumabas ang naka pang doktor na lalaki

"Kayo po ba ang kamag anak ni Mrs.Mendoza?" tumango naman ako at lumapit sa kanya

"Ako yung anak, kamusta na si Mama?" huminga pa siya ng malalim bago nag salita,

"Kinalulungkot kong sabihin pero wala na ang mama mo-" hindi ko na napakinig ang iba niyang sinabi at napahiga nalang ako sa sahig bago nagdilim ang paningin.

"Anak naman, wag ka ngang mag laro diyan mapapagalitan ka ng papa mo" pero di ko pinakinggang si mama at pinagpatuloy lang ang paglalaro ng mga langgam sa garden namin

Habang nilalaro ko ang mga ito ay hindi ko sinasadya na maipit ang itim na langgam sa paanan ko kaya dali dali ko yung kinuwa at nilagay sa maliit kong kamay.

Inibo-ibo ko pa siya sa kamay ko pero hindi na talaga siya nagalaw kaya lumapit ako kay Mama na nakaupo malapit saken

"Mama penge alcohol" nagtaka pa siyang tumingin saken at sinuri pa ang katawan ko

"Nasugatan kaba?" umiling naman ako sa kanya at tinuro ang langgam na nasa palad ko

"Di ko sinasadya na maipit siya" naiiyak nako habang nakatingin sa langgam na hindi man lang gumagalaw

Inabutan naman niya ako ng alcohol at kinuwa ko naman agad yun. Binuksan ko muna iyon bago pinatakan ang walang malay na langgam sa kamay ko.

Ganun kase si Mama, pag nagkakasugat ako nilalagyan niya ng alcohol tapos gagaling. Inintay ko namang umibo yung langgam na nasa palad ko pero kahit nakailan nakong patak ng alcohol hindi parin ito naibo kaya tumingin naman ako kay Mama na nakangiting nakatingin saken

"Mama bat hindi siya nabubuhay!" umiiyak nako habang pilit na pinapaibo yung langgam sa palad ko. Naramdaman ko namang lumapit si Mama saken at hinawakan ang kamay kong basang basa na dahil sa alcohol na nilagay ko

"Di naman yan gagana e, nilunod mo lang" tumawa pa siya saken pero inosente lang akong tumingin sa kanya

"Bakit! di ba pag nilalagyan mo yung sugat ko nagaling naman diba" pampupumilit ko pa sa kanya pero tumawa lang siya bago yinakap ako

Lumayo naman ako sa kanya at naglakad papunta sa pwesto ko kanina at inilapag dun yung wala ng buhay na langgam

"Sorry ha, di ko naman sinasadya e" at naglakad na uli papunta kay Mama at yumakap ng mahigpit sa kaniya


"Mamaaaaa...!!" napabangon naman agad ako at napansin na nakahiga nako sa isang puting higaan at naka upo sa tabi ko j-jacob?

Punyeta anong ginagawa ng lalaking ito dito!! Nag init naman agad ang ulo ko pero mas nanaig yung lungkot at galit sa isipan ko.

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon