CHAPTER 15

206 7 1
                                    


"Ano inlove kana saken" bulong nya.

Tinulak ko naman sya palayo sa akin at nag lakad palabas ng classroom

Napakinig ko pa na tinawag ako ni Panot pero hindi ko na sya pinansin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso tangina. Kahit nakalayo nako sa kanya ramdam ko parin yung hininga nya sa tenga ko yung nakakakiliting hatid nun tapos ang bango bango pa shit lang!

Ganun ko na ba sya kagusto? Kahit anong kilos nya nagugustuhan ko! Kahit yung pag aayos nya ng buhok nya tapos seryoso syang titingin saken! tangina pre gustong gusto ko yun.

Umupo muna ako dito sa field para pakalmahin yung sarili ko. Hindi ko yata kayang tumingin uli sa kanya feel ko basta basta nalang mahuhulog yung puso ko

"Bat ka naman tumakbo palayo saken" nagulat ako ng nagsalita si Jacob sa tabi ko ay hinawakan pa nya yung mga kamay ko para lang tumingin ako sa kanya

Yan nanaman yung puso ko, ang lakas nanaman ng tibok! Please lang heart kumalma kanaman!

"A-ano kase ang init dun, ang banas hehe" shit nauutal pa!

Ngumiti naman sya saken at hinigpitan yung pag hawak sa kamay ko kaya napatingin ako dun.

"May sasabihin ako sayo" seryosong nyang sabi saken.

Bigla akong kinabahan sa mga sasabihin nya! Di pa ko ready para sa mga gantong bagay.

"Ano yun?" buti nalang hindi ako nautal baka madulas ako mamaya malaman pa nya na may gusto ako sa kanya

"A-a-ano kase, ano kase" sya naman ngayon yung hindi makatingin saken tapos napansin ko din yung pamumula ng tenga nya.

Ang kyutt nyang tingnan, parang future asawa ko este nevermind.

"Ano ba yun" ako naman ngayon yung nakangiti sa kanya tapos natatawa pa ko habang tinitingnan syang nahihirapan, ang kyutt nya lang sobra

"Pwede manligaw?" Diretsyong tanong nya.

"A-ano?" di ko yata nagets yun

Binitawan nya yung kamay ko at tumalikod sa akin "tangina muka nakong bading dito" bulong nya kahit pakinig ko naman

Humarap uli sya saken at huminga ng malalim bago hawakan yung mga kamay ko

"Krizzia Mendez Mendoza soon to be Krizzia Mendoza-Martinez pwede ba kitang ligawan?" Huminga muna uli sya ng malalim bago nagsalita uli "Alam kong nabigla kita pero gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita at hindi ako papayag na hindi kita maging asawa pag tanda natin, lagi man tayong nag aaway pero yun yung lalong nagpatibok ng puso ko at yun din yung dahilan kung bakit lalo kitang nagustuhan. Yung pag tataray mo saken gustong gusto ko yun, pag tumataas yung mga kilay mo, yung pag kunot ng mga noo mo pag inis na inis kana saken. Lahat ng yun nagustuhan ko sayo" nakatunganga lang ako sa kanya habang pinoproseso pa sa utak kong walang laman ang lahat ng sinabi nya

So ibigsahin may gusto rin sya saken? pero bakit? bakit ako pa. Ang dami dami namang babae dyan pero bat ako pa yung ginusto nya?

Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko habang umiiling sa hindi malamang dahilan.

"Bat ka naman umiiyak" pinunasan naman nya yung pisnge kong basang basa na dahil sa pag iyak ko

"Shit tinatakot mo naman ako e" patuloy parin akong umiiyak habang pinupunasan nya parin ang mga iyon.

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon