CHAPTER 18

34 3 0
                                    


Napansin ko naman yung mga galos nya at pasa sa muka na ipinagtaka ko.

"Napano yang muka mo" takang tanong ko sa kanya

"Nadulas lang ako kanina" nagtataka parin akong tumingin sa kanya at inilapat ang kamay sa mga sugat at pasa nya sa muka

"Tanga kaba?" sinong tangang maniniwala dun, nadulas? Grabe naman yata yung binagsakan neto. Ilang floor ba yung binagsakan nya para mag karoon sya ng mga pasa at mga sugat sa muka

"Grabe ka naman sa tanga" inilayo pa nya yung sarili nya saken na parang nagtatampo kaya hindi ko maiwasan na matawa sa ginawa nya.

Napakaisip bata talaga. Muka syang bata na naagawan ng kendi sa daan, ang kyutt lang tingnan

"tanga ka naman talaga e, sinong bobong maniniwala sa sinabi mo?" sinamaan nya lang ako ng tingin at lumayo uli saken

"Bahala ka nga dyan" tumayo na ako at nag lakad palabas ng school "di kita sasagutin" pahabol ko pa

Tumakbo naman sya agad papunta kung nasan ako at inakbayan ako

"Ito naman binibiro lang" hindi ko nalang sya pinansin at tinanggal ang braso nyang nakaakbay saken

"Uyy Misis sorry na" tawag pa nya saken pero lalo ko lang syang hindi kinausap at nag patuloy lang nag lakad

Nang hindi na nya ako matiis ay hinarangan nya ang dinadaanan ko at seryosong tumingin saken

"Sorna kase" sinamaan ko lang sya ng tingin at nilagpasan sya

"Misis ko intay lang" sigaw pa nya at dali daling sumabay saken

"Anong misis ka dyan? gusto mo dagdagan ko yang mga pasa mo sa muka? saka hindi Misis ang pangalan ko" pagtataray ko pa sa kanya

"Dun din naman patungo nito e" grabe talaga may aircon ata to sa katawan e, napasobra yung kahanginan sa katawan

"Di pa nga kita nasasagot yun na agad iniisip mo" umakbay lang sya saken at nabigla pa ko ng dumampi ang labi nya sa pisnge ko

"Tanginamo talaga" nagtatakbo naman sya saken ng habulin ko sya

Lakas talaga ng self confidence ng lalaking yun, abat hindi ko pa nga sya sinasagot pero kung maka halik sa pisnge ko ang galing galing

Nang maabutan ko sya ay hinigit ko ang buhok nya at pinitik ang tenga nya

"Sinong may sabi sayo na pwede mo kong halikan ha!" napa aray naman sya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa buhok nya kaya binitawan ko na

Baka mamaya makalbo pa to, lalong pumanget

"Grabe ka naman Misis kakalbuhin mo ba ko" inayos pa nya yung buhok nya bago nya ko masamang tiningnan

"Hindi nga misis pangalan ko, binge ka ba!!" ang kulet talaga ng isang to

"Basta! e bakit ka nasagot pag tinatawag kita" ngumiti pa sya saken at nang iinis na tiningnan ako

Napahinto naman ako ng pagtataray sa kanya at napaisip, bakit nga sumasagot ako pag tinatawag nya ko e malay ko ba kung ako ba yun.

"Ano di ka naimik, aminin mo na kase misis na gusto mo rin ako malay mo pag sinagot mo ko ayain agad kitang mag pakasal" masama ko naman syang tiningnan bago sumagot

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon