CHAPTER 11

160 7 0
                                    


Lumayo ako sa kanya at sinuntok ang muka nya

"Aww sakit" daing pa nya

Shit napalakas yata pag kakasuntok ko. Nilapitan ko uli sya pero lumayo lang sya at umupo na sa upuan nya habang hindi parin ako tinitingnan

Eksakto naman mag katabi kami ng upuan kaya inisod ko yung upuan ko palapit sa pwesto nya

"Ikaw kase basta ka nalang nangyayakap dyan!" Hindi sya umimik at lalong iniwas lang ang tingen nya saken inisod din nya yug upuan nya palayo saken kaya inisod ko uli upuan ko palapit sa kanya

Hinawakan ko ang kamay nyang nakatakip sa muka nya at tinanggal napatingin naman sya saken

Shit napalakas nga, dumudugo yung ibabang labi nya kinuwa ko naman yung panyo ko at ginamit para tumigil yung pag dudugo

"Nag boboxing ka ba? Daig mo pa si Manny Pacquiao sa lakas ng suntok mo" di ko nalang sya sinagot at dinampi uli yung panyo sa labi nyang dumudugo parin

Nakatitig lang sya saken at amoy na amoy ko na yung mabango nyang hininga dahil sa sobrang lapit namin

kaya lumayo ako sa kanya at inisod din ang upuan ko papunta sa dati nitong ayos.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko at  bigla akong pinawisan sa nangyari. Kelangan ko na sigurong mag patingin sa doctor o kaya sa albularyo lagi nalang ganito kapag kasama ko yung lalaking yun

Dumating na ang guro namin kaya inayos na rin ni Jacob ang upuan nya malapit sa akin. Hindi ko nalang sya nilingon hanggang sa matapos ang klase namin

Kinuwa ko na agad ang bag ko at isinuot ito at dali daling lumabas.

Hindi ko yata nakita sina Angel na mimiss ko na silang suntukin at awayin. Buti nga sa kanila suspended parin hanggang ngayon

Hindi na ko umatend ng pang hapon kong klase at umuwi nalang.

Di ko yata kayang makita uli si Jacob nahihiya ako at kinakabahan tuwing naiisip ko sya. Kaya simula ngayon di ko na sya iisipin at papansinin para di na sumakit ang heart ko

Eksakto namang tumunog ang cellphone ko habang nag iinstagram ako tiningnan ko kung sino ang nag chat saken

@jacobmartinez: Di ka umatend ng klase kanina?

Joke lang yung hindi ko na sya iisipin at papansinin. Auto reply ako e pag sya ang nag chachat saken. Pero dati naman hindi ganun ang weird ko na rin


Lalo tuloy akong kinakabahan

@putanginamosikrizziato: Hindi.

Nilagyan ko pa ng tuldok sa dulo para kunwari wala akong pakealam sa kanya kahit ang totoo pinagpapawisan nako habang nag iisip ang irereply sa kanya

@jacobmartinez: Cold naman. Edi wala ka rin kapartner sa kanta? Yung sa Mapeh?

Anong kanta kanta? Anong sa Mapeh? Hindi ko alam ko yan ah

Ay oo nga pala di ako umatend kanina baka kanina yun sinabi samin. Isa pa yung teacher namin sa Mapeh kung ano ano pinapagawa samin sarap sabunutan e hanggang makalbo sya. Ay kalbo na pala sadya pasmado bibig ko hehehe.

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon