CHAPTER 26

12 2 0
                                    


Nakatulala lang ako kwartong pinagdalhan saken matapos akong mahimatay kanina. Bumaling ang paningin ko sa pintong bumukas ang bumungad ang nag aalalang si Carl.

"kamusta na pakiramdam mo?" napapikit nalang ako ng unti unti nanamang pumapatak ang mga luha saking mga mata sabay ng mga alala nung panahon iniwan kami ni papa at ngayon naman ay kasama narin niya si mama. Yung mga panahong masaya pa kaming nag sasama ng taong mahal ko, na ngayon ay punot dulo ng pala ng paghihirap ko. Tanginamo Jacob!

"Putangina, ayoko na. Putangina, ayoko na! Mama, Papa pagod na pagod nako." Mama sama alang ako sa inyo, promise behave na ko. Di ko na papasakitin ulo nyo, mag aaral nako ng mabuti tapos sundin ko na mga utos nyo basta sama nyo nalang ako.

"krizzia tama nayan, nakakasama yan sa pagbubuntis mo." napatigil nalang ako sa pag iyak at tumingin sa nag aalalang pagmumuka ng kaibigan ko.

"Anong sabi mo?" putangina.

"Sabi ko buntis ka, 4 weeks ka ng buntis at makakasama yan sa baby mo!" napabalik nalang ako pag ka tulala at napahawak sa tiyan kong normal parin naman ang laki at walang pagbabago.

"No! hindi! baka nag kakamali kalang. Prank ba to?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Kulet mo naman e." napakamot pa ito sa batok niya bago umupo sa tabi ko.

"Hindi to prank tanga." binatukan ko naman agad siya bago bumangon sa pagkakahiga ko.

"Gago! di nga tunay? may baby nako?" masayang tanong ko pero syempre hindi parin nawawala yung lungkot.

"Intay nga, tawagin ko yung Doctor sabihin ko gising kana." Iniwan muna niya ko habang nakangiti parin ako sa kawalan habang hinahawakan yung tiyan kong may bata na sa loob.



Nang makalabas nako sa ospital ay nagpahatid nalang ako sa bahay para makapag pahinga narin at makapag isip kung pano ko ba sasabihin sa sinungaling na lalaking yun na magiging tatay na siya. Tatanggalin ko muna yung galit at pride na meron ako sa sarili ko alang alang na sa anak ko. Syempre ayoko namang lumaking walang tatay tong anak ko! Kaya kaluluwa ng kabaitan, saniban mo ko ngayon dennnnn!!!

kinuwa ko muna ako cellphone ko at hinanap ang number ng banong yun para tawagan. Huminga muna ko ng malalim habang iniintay na sagutin niya ang tawag ko.

"yes, sino to?" nabigla pa ko ng boses babae ang sumagot sa telepono niya pero sinawalang bahala ko nalang iyon. Tandaan mo self, pasensya ang kailangan okieee!

"Ano kase, ahmm kay Jacob pu bang number etu? lazada pu etu update ku lang pu sana siya sa inurdir niya" punyeta, naging lazada pa nga.

"Sino ka ba? naliligo pa kase siya e" putangina, lazada nga deba bobo ka teh?

"Pakesabe nalang pu sa kaneya, kong pwidi mag keta kame sa address na isisind ko sa kaneya. Mahalaga pu kase ari" pramis mahalaga talaga to, mga sampong libong tanginamo ganon.

"ah okey, tapos na pala siya e wait...babeeeee!" tawag niya dito.

okey lang yan self, kalma kalang. Bawal ka ng mag back out nasimulan mo na e. Kahit papaano parin naman mahal ko parin naman siya, hindi naman mawawala yun. Pero ang sakit lang kase nakahanap na agad siya, tapos ako ito lang. Pagod na pagod na sa buhay tangina talaga.

Hindi ko na napigilang mapa iyak nanaman at masaktan habang iniintay siyang mag salita sa telepono pinatay ko muna ito at kinalma ang sarili. Anak kapit kalang diyan ha, okey lang si mama malalampasin den naten to. Sasabihin naten sa daddy mo na anak ka niya kase bad mag sinungaling diba, pero anak hindi ko yata mabibigay sayo yung magkaroon ka ng tatay sa buhay mo. Kase anak, pagod na pagod na si mommy e. Tama na siguro yung sakit na nadarama ko, ayoko ng dagdagan pa. Hindi ko na ipagsisiksikan yung sarili ko sa lalaking yun kase mukang masaya nanaman siya sa buhay niya e. Wag ka mag alala pag labas mo diyan ipaparamdam ko sayo yung magandang mundong hindi naranasan ni mommy mo.

Katulad kanina huminga muna ako ng malalim at nag isip kung itutuloy ko pa ba ang plano ko pero mas pinili ko nalang na itext siya para makipag kita sa kaniya bukas.


Nang sumapit ang umaga ay hinanda ko na ang sarili ko para sa pagkikita namin mamaya. Chineck ko muna yung message ko kung nag reply ba siya, pero puro mga kaibigan ko lang ang bumungad sa akin at kahit niisa ay wala siyang reply.

Tinext ko muna si Austin para ihatid ako papunta sa lugar kung saan kami mag kikita. Maganda na yung may mag hahatid sayo para makalibre sa pamasahe.

"Tara na, may lakad den ako. Hatid muna kita tapos diretsyo ako sa lakad ko" nginitian ko naman siya bago pumasok sa sasakyan nito.

"chix yan noh? may date ka noh, atat na atat na e" tumawa lang siya at pinatakbo na ang sasakyan papunta sa pinakamalapit sa mall kung saan kami mag kikita ng tatay ng anak ko.

"Dito nalang ako, salamat sa pag hatid!" nang nakababa nako ay dumiretsyo na agad ako papasok sa mall at pumasok sa isang coffee shop kung saan napili kong dito kami magkikita.

mahigit isang oras narin akong nag iintay pero hindi parin siya dumarating. Naka ilang check narin ako sa cellphone ko kung nag text ba siya pero katulad kanina, waleyy parin.

Sabi ko 8:30 ng umaga pero mag teten na wala parin siya! 

Nang sumapit ang gabi ay nandito parin ako sa coffee shop at matiyagang nag iintay sa pagdating niya. Nang tumagal ay nag pasiya nalang akong puntahan siya sa condo niya, baka sakaling nakalimutan lang niya o kaya hindi niya nabasa yung text ko kagabi. 

Nang makarating ako sa tapat ng condo niya ay dahan dahan kong kinatok yung pinto nito habang nag aalinlangan pa kung kakatok ba ako uli

ng bumukas ito ay nabuhayan ako ng loob dahil ito na sasabihin ko na sa kaniya  pero nawala den iyon ng bumungad saken si Angel na basa ang buhok at mukang kagagaling palang sa pagligo.

"oh krizzia, anong kailangan mo?" bungad nito saken. "si Jacob ba? tulog kase siya napagod ata" malandeng ngumiti ito sa aken sabay humalakhak tulad ng ngiti nito, malande parin tangina?

kung kanina ay naalinlangan pa ko kung itutuloy ko ba ito o hindi, ngayon pinagsisihan ko tuloy na pumunta pa ko dito. 

Hindi ko na inintay kung may sasabihin pa siya tumalikod nalang ako sa kaniya at nag pasyang umalis nalang. Pero bago pa ko makaalis ay hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ko paharap sa direksyon niya.

"Alam mo krizzia, napaka desperada mo." Tumatawa pa ito habang hinihigpitan ang hawak sa braso ko. 

"Ano sa tingin mo babalik siya sayo? mag kakaanak na kami kaya kung ako sayo layuan mo na siya!" kung kanina ay tumatawa pa ito ngayon ay galit na galit itong nakatingin sa akin.

No!no!no! hindi ito totoo. Sabi niya mahal niya ko, krizzia wag kang maniwala diyan sinungaling den yan. No self! wag kang maniwala!

kung kanina ay kalmado pa ko ngayon ay umiiyak na at galit na galit na tumingin sa babae.

"putanginamo! putanginanyong lahat!" tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago umalis sa putanginang lugar na iyon.

nanginginig na kinuwa ko anf cellphone ko at tinawagan ang numero ng kaibigan ko.

"hello krizzia, anong aten?" di ko na napigilang bumuhos lalo ang mga luha ko habang napaupo nalang sa tabi ng kalsada at nanginginig sa pag iyak.

"hoy krizzia anong nangyare? may masakit ba sayo? putangina asan ka!" naguguluhang tanong nito.

"Carl, pagod na pagod nako ayoko na!" pinunasan ko ang mga luhang patuloy na umaagos na kahit punasan ko pa ay hindi parin ito tumitigil.

"Asan ka? putangina naman" napapakinig ko pa sa kabilang linya ang pag start niya ng sasakyan niya habang paulit ulit sa pagtatanong.

"Samahan mo ko, alis nako dito. Gusto ko ng matanggal yung sakit na nadarama ko. Tulungan mo ko, gusto ko munang umalis at mag paka layo layo."



___________

FACEBBOOK: Jaille Gomez II
WATTPAD: @itsprivate35
INSTAGRAM: @itsprivate35
TWITTER: @Dmnjll

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon