CHAPTER 16

46 2 0
                                    

"H-hindi maaari" ang papa ni Jacob ang syang nakita kong bumaril kay Papa nung bata pa ko

Hindi ako pwedeng magkamali ang lalaking nasa harapan ko ngayon at ang lalaking may hawak ng baril na itinutok sa ulo ni Papa nung bata pa ko ay iisa.

"Ayos kalang" hindi ako nakasagot kay Jacob dahil pinoproseso ko pa sa utak ko yung itsura nung lalaking nung araw na yun at yung itsura ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Hindi ako pwedeng mag kamali magkamukang magkamuka talaga sila, sya talaga yun

"Jacob anong pangalan ng papa mo" bulong ko sa katabi ko habang hindi parin inaalis ang tingin sa lalaking nakikipagyakapan kay Tita Grace

"Dominador Rodolfo Martinez, bakit?" tangina.

Mga tauhan nya yung bumugbog kay Carl nung isang araw. Pero bakit nya gagawin yun? Sabagay papa ko nga pinatay nya yung pa kayang saktan yung mga kaibigan ko.

Inilibot ko uli ang paningin ko sa buong bahay na kinakatayuan ko ngayon.

So ibigsabihin nasa bahay ako ngayon ng demonyong pumatay sa papa ko at kaharap ko pa talaga sya. Hindi pa yun, anak nya lang naman ang lalaking ginugusto ko ngayon. Putanginang buhay to!

"Krizzia ito nga pala ang asawa ko si Rodolfo, pero tawagin mo nalang syang Tito Rodolfo o papa narin kung gusto mo" tumango lang ako at walang emosyong tumingin kay Rodolfong demonyo.

"gandang hapon po" anong maganda sa hapon? kung gantong tao ang makikita mo ngayon!

"Magandang hapon din Krizzia" tumango lang ako sa kanya at iniwas ang tingin

"Umupo na kayo" umupo nalang ako sa tabi ni Jacob at kung mamalasin pa nga katapat ko pa yung demonyo.

Buti pa yung si Tita Grace mukang mabait. Ang amo amo ng muka nya tapos mukang hindi nya alam na pumapatay na pala tong asawa nya.

Pag katapos ng hapunan na yun ay umalis narin ako, nag pasundo nalang ako kay Mang Junny at dumiretsyo sa sementeryo kung saan nakalibing si Papa

"Mang Junny dyan nalang po kayo, mabilis lang naman ako" tumango naman sya at bumaba nako

Naglakad pa ko ng malayo bago nakarating sa puntod ni papa

Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko habang hawak hawak ang nakaukit na pangalan ni Papa sa lapida.

"Papa miss na miss na kita! Daya mo naman kase ang bilis mong nawala yan tuloy lagi nalang umiiyak si mama tapos hinahanap ka. Papa nakita ko kanina yung lalaking bumaril sayo, grabe sarap nyang barilin din" huminga muna ako ng malalim bago nag salita uli

"Tapos alam mo ba tatay pala sya nung taong gusto ko! napaka malas ko naman yata HAHAHA" tumawa pa ako at pinahid yung basang basa kong pisnge dahil sa pag iyak ko

"Papa wag ka mag alala hindi ko naman sasaktan yung anak nya, lab na lab ko nga yun. Pag natapos na lahat ng problema ko sa buhay ipapakilala ko sayo yun. Mabait yun tapos lagi akong inaasar kaya minsan naiiyamot ako dun e." nag stay pa ko dun ng ilang minuto bago tumayo at tumingin sa kalangitan

"Pa, kung naririnig mo ko ngayon gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal ka namin ni Mama. Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang nangyari sayo, tandaan mo yan" at nag lakad na palayo doon.

Pag dating ko sa bahay ay dumiretsyo na agad ako sa kwarto ko at naligo. Nag bihis din ako ng lagi kong sinusuot pag lalaban ako sa Underworld. Saka yung maskara ko dinala ko rin

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon