"You got it with you?" Tumingin ako kay Mommy nang tanungin niya iyon, Bahagya akong tumango at tinapik tapik ang aking bag. Tumunog ang mga lalagyanan ng aking gamot, At bahagya na lang akong nag-iwas ng tingin. Hindi naman ako mabibigyan ng hangin ng mga ito, Kung sakaling atakihin ako.
"Mommy, I gotta go." Pagpapaalam ko at humalik sa kanyang pisngi, Sinundan niya ako ng tingin hanggang makasakay ako sa aming sasakyan. Napatingin ako sa driver, I though it was Kuya who will drive me today. Hindi pala, Maybe he's busy at maaga siyang pumasok.
Nag-simulang umandar ang sasakyan habang ako ay nakatingin lang sa labas, I can feel heaviness in my chest, Not because I'm needing an air but because I cannot forget everything that happened. At sobrang bigat sa loob 'non. After how many minutes, Nakarating kami sa school. Pinag-buksan ako ni Manong ng pinto at nag-pasalamat naman ako dahil sa kabaitan niyang ginawa. Medyo mabigat ang bag, kaya naman umaakto akong normal ang paglalakad.
Alam ko naman na kapag nahalata ni Manong na nahihirapan ako ay ihahatid niya pa ako sa mismong room namin. At nakakahiya iyon, Sobra. Baka pag-tawanan pa ako ng iba kong mga kaklase, knowing na sobrang tanda ko na pero iba pa rin ang naghahawak ng bag ko. Well, Hindi naman kasi nila alam ang nangyayari kaya sobrang confident silang mang-asar kahit wala naman silang alam.
Nakarating ako sa room, at naabutan doon sina Camille at Liam na nag-uusap. Nang mapansin na padating ako ay agad silang umayos ng upo at inabot sa akin ang isang frappé. May cafe kasi sa labas ng school, at masarap ang mga tinda nila doon. Dahan dahan kong ibinaba ang aking bag sa aking desk at naupo, Tinanggap ko ang kanina pa nila inaabot na frappé at inayos ang sarili.
"Parang may mali sa iyo," Bati ni Camille. Agad na kumunot ang aking noo, Nahahalata niya ba? Hindi naman ako maputla, at hindi naman sunod sunod ang aking pag-hinga. Normal naman ako ngayon ah? Kumpara kagabi.
"What?" I asked.
"Wala ka atang dalang paperbag ngayon?" Wika pa nito, Napangiti ako. For once, nakalimutan kong bilhan si Aster ng kung ano ngayon. Think of an alibi, Carina.
"Ahm, Masyado akong naging busy kagabi eh. Wala akong oras na bumili..." Pilit ngiting sabi ko, Nanliit naman ang mata ni Liam na parang kinikilatis ako. These people are good to determine if I'm lying or not. Pero natakasan ko sila kahapon, So baka matatakasan ko rin sila ngayon.
"Oh, I remember something. Galing tayo sa camping noon, and you still bought heart-shaped lollipops for Aster, And Mind you, We're just 13 back then. Noong 14 tayo, Na-late ka sa isang subject dahil bumili ka pa ng milktea sa labas for Aster. 16 was quiet tough, Hindi ka pumasok ng dalawang subject dahil naghanap ka ng fresh strawberries for Aster. At marami ka pang ginawang kung ano, para lang kay Aster..." He suspiciously said, Gumuhit ang ngisi sa labi ni Camille nang sabihin iyon ni Liam. Eto na naman sila, pag-tutulungan na naman nila ako.
"And? Ano naman kung wala ngayon, Minsan lang naman." Hirit ko pa at nag-iwas ng tingin. I really wasn't able to go out last night, Dahil sa sobrang daming iniisip at inatake pa ako. Kanina naman, Hinatid ako ng driver at for sure kapag tumakas ako ay isusumbong niya ako kay Mommy. And that sucks.
"It's just really weird, Feeling ko tuloy natauhan ka na at nabalik sa reyalidad na..." Nag-dapo ako ng tingin sa kanya at nahulaan na kaagad ang sasabihin.
"Walang pagasa kay Aster." Sabay sabay naming wika na ikinatawa nilang dalawa. Ako naman ay umiling iling lang. Hindi naman nila kailangan ipagsiksikan iyon, I can handle it myself. Hindi nila kailangan na ipagsiksikan na meron, Because I know it myself na wala. But I still choose to do those weird things, Because it makes me happy. Masama ba iyon?
Dumating ang aming Professor at nag-klase na kami, Dahil college na, medyo mahirap na ang mga pinag-aaralan. Or depende sa iyo kung mahihirapan ka or not. Slight lang naman sa akin, Dahil na rin siguro sa kasipagan kong mag-review. Ayokong bumagsak, Sayang ang pera. Snack time came, at sabay sabay kaming lumabas. I haven't seen Tyron for a while, kahit ngayong andito kami sa cafeteria. For sure ay nagtataka iyon kung bakit wala akong ipinaabot ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/149373592-288-k882474.jpg)
BINABASA MO ANG
Catching The Brightest Star [HS#2]✔
Teen FictionHechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, until we give up. Why are we so obsessed? Maybe because he's handsome, or maybe he know how to play guitar that turn on most of girls, To the hi...