Tonight was a night to remember, It's 7 in the evening at halos lahat ng ilaw ay bukas pa. Pinagbuksan ako ni Aster ng pinto, at bumaba naman na ako. I stood in front of him habang inaayos ang aking medyong nagusot na dress. Napaniwala niya ako na debur iyon pero set-up lang naman pala, He wrote the letter that's why the handwriting seems so familiar. Hindi ko lang alam kung alam ba ng mga magulang niya na sinet-up niya ako kanina.
"Thanks for the night, Aster." I said, at tumingin sa kanya. Lumapit siya ng isang hakbang sa akin kaya naman kaunting espasyo na lang ang namamagitan sa aming dalawa.
"I should be the one who must be thanful here. You rest, okay? I love you still." He whispered, Tumango naman ako kasabay nang pag-dampi ng kanyang malanbot na labi sa aking noo.
"I love you too, You know that." Biro ko naman, He just smile at me at ginulo ang aking buhok. "Go now, Tell your parents I really love them." I added, mahina naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko.
"You go. I won't leave first." Ito na naman, ang kanyang linya na nagbibigay sa akin ng kasiguraduhan na hindi niya ako iiwan. Sana nga, sana nga ay hindi niya gawin sa akin 'yon dahil hindi ko kakayanin.
"Alright, I love you!" Sambit ko at kumaway, tuluyan na akong pumasok sa at tinanaw na lang siya mula sa gate. Nakita kong sumakay na siya sa kanyang sasakyan, hanggang sa tuluyan na itong umandar. Nang hindi ko na siya matanaw ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Andyan na si Daddy, nakita ko na ang nakaparada niyang sasakyan kaya naman sigurado akong andito na siya.
I went to the sala, kung saan naririnig ko ang kanilang usapan. Bilang pag-bati, yumuko ako at nanatiling ganoon hanggang lumipas ang ilangsegundo.
"Carina, I'm glad you came home early." Dad said, pilit naman akong ngumiti at umupo sa tabi niya. Mom remain calm, and silent. Mukha namang ako na naman ang pinag-uusapan nila kaya bigla siyang natigil dahil ayaw niyang marinig ko. But still, halata naman na ako talaga. "Your Kon already told you about the doctor?" He asked.
"Yes, I met her." Wika ko naman.
"Good, buti naman at naintindihan mo. And she will be monitoring you in school, okay?" He said.
"Just tell me the scheds and I will come. Tell her not to approach me when I'm with anyone." I said, kahit iyon lang sana ay maintindihan nila ang punto ko. Napakunot siya, at agad na nag-taas ng kilay, sabi ko na nga ba ang ganito ang magiging reaksyon niya.
"Why? Ano namang masama kung---"
"No one knows about my heart failure. Not even my friends, of classmates. Hindi nila pwedeng malaman, lalo na si Aster. Susundin ko ang mga meds, at payo, jyst promise me to tell her that." Agad ko siyang pinutol dahil 'don. Hindi ko kayang marinig pa ang sasabihin niyang iyon nang buo.
Natahimik siya, at tinignan lang ako. I laid my eyes to Mom, na ngayon ay nakatingin lang rin sa akin. Ramdam ko na naman ang awa sa kanilang mga mata, at iyon ang pinaka-agaw ko.
"I know you feel sorry. It wasn't your fault, Ganito akong inilabas niyo. I'm asking a favor right now, Don't tell them. Ayokong makita ang awa sa mga mata nila tuwing titignan nila ako at ayaw ko rin na kapag may nangyari sa akin ay sisihin nila ang sarili nila. Ayaw kong gawin nila ang ginagawa niyo." I'm pleading, Ito ang unang pagkakataon na hiningi ko sa kanila ito. I want to hide it, really.
"We can't hide it forever. Malalaman din nila." Ani Daddy, Ngunit agad naman akong umiling.
"Camille and Liam often come here, Hindi ko sila pinapapasok sa kwarto ko dahil andoon ang ventilator. Madalas akong atakihin sa school, kahit na mild lang ay nahihirapan ako. But I manage to handle myself without letting them now. And Aster, No. Never. If you cooperate, madadalian lang ako." I explained. Dahan dahan akong tumayo at ngumiti. Hindi na pilit iyon, at walang halong pagpapanggap.
BINABASA MO ANG
Catching The Brightest Star [HS#2]✔
Novela JuvenilHechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, until we give up. Why are we so obsessed? Maybe because he's handsome, or maybe he know how to play guitar that turn on most of girls, To the hi...