CHAPTER 22

1.1K 33 5
                                    

"Am I stupid?" Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya, kasabay ang pagpapakawala ko nang isang malalim at mahabang buntong hininga. "Alright, Hindi hindi na ako mag-tatanong. Kung iyan ang maturity sa tingin mo." Itinago ko ang kamay sa aking likod, at umatras ng ilang hakbang mag-mula sa kanya.

"I'm going. See you tomorrow." I whispered, As I walk away from him. Oh merciful god, I can't take it anymore. Napahawak ako sa aking dibdib, kasabay ng pamumuo ng mga luha sa aking mata. Ang hirap hirap na namang huminga, Ang sakit sa puso ng ganito. I don't know if I'm gonna survive this pain tonight, My chest hurt at ang layo layo pa ng lalakarin ko.

I didn't even hear a word from Aster, But I wouldn't say kahit na may sabihin pa siya. This hurts, I'd be dead by now if I stayed there any longer. It was a slow motion walk, and I was too thankful when I saw our Driver waiting outside the car. I immediately went inside, agad kong kinuha ang aking cellphone at tinignan ang mga text galing kay Tyron. He is just asking kung kamusta na daw, what happened and many more.

"Pwede po bang bilisan natin? I'm in pain Manong, Medyo masakit ang dibdib ko." Mahinang sabi ko habang pinipilit pa rin na pakalmahin ang sarili. Bago tumulo ang sunod sunod na luha ss aking mata dahil sa sakit na aking nadadama ngayon, nakita ko pa ang kanyang pag-tango. Kasabay ng aking pag-hinga ang pag-taas ng aking balikat. My heart wants more air, at wala akong magawa kundi ang gawin ang paraan na ito.

I saw light on the window, from other cars and stores beside the not-so-busy road. Ipinatong ko ang aking ulo sa bintana, naramdaman ko ang pag-guhit ng isang pagod na ngiti sa aking mga labi kasabay ang pag-fflash ng mukha ni Aster kanina ss aking isipan. He's tired, and drained. Galit din siya. Pero walang ipinagkaiba sa akin iyon ngayon. I'm also tired, and drained. And I'm hurt, and heavy breathing is slowly killing me. Literally.

How he look up to me, How he sat and how he told me to be matured enough.

Nanlalabo na ang aking paningin, hanggang ang mga ilaw ay parang alitaptap na kusang namamatay. And, at last, silence and darkness embrace me. I hope I'll wake up tomorrow.

Sana meron pang bukas.

---

"Leon, It happened again. Can you come here now? Please, Anak?" Iminulat ko ang aking mata, at iniikot ang tingin sa paligid. The last thing I knew was, Andoon ako sa sasakyan at doon ako nawalan ng malay. And here I am, in my bed. At aking breathing tube ay nakasalpak sa aking ilong, at sinusuportahan akong makahinga nang maluwag.

I saw Dad's face, worried. And beside me, I saw Mom. Tulog na siya, and she's holding my hand. Tumingin ako kay Daddy, At nakita siyang nakatingin din sa akin. He stood there, frozen. At hindi ko man lang alam kung dapat ko ba siyang ngitian dahil buhay ako, o dapat ko siyang ngitian dahil baka sermon na ang kasunod nito.

"It's 3 in the morning, And you finally woke up." He whispered, naupo siya sa aking gilid habang hinihimas himas ang aking buhok. "Your Doctor said, You were just tired. You seems are, at halos kasisimula pa lang ng klase at pagod ka na... College really has a bad effect for you, Anak." He added. Hindi ko alam kung kailangan ko bang mag-salita, Dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman ang pag-aaral ang dahilan kung bakit ako inatake ngayon. Dahil ito sa pagod sa pag-takbo, sa pagod sa pakikipag-usap at sa pagod na pagod na mga emosyon.

Hindi ko masabi sa kanya, I wouldn't also tell him kahit bigyan ako ng chance. I don't want Aster to be involve here, Ayokong madamay at masisisi siya dahil sa akin. Lalo na at wala naman siyang alam, As in totally.

"Does Aster know about this? Dapat ipaalam mo na sa kanya, He need to sort out things too. You're battling, And loving lady with---" Hindi ko na siya hinayaang ituloy pa ang sasabihin nang dahan dahan kong itinaas ang aking kamay na para bang nag-sasabi na tumigil siya. "A-Alright, I-I'll just wait your brother outside." Hindi ko alam, pero bakas sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. Kung tatayo ba o hindi, kung lalabas ba o hindi.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon