"Yours, Yours... That surname will be yours too." Napakagat ako sa aking labi habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang iyon. Napatingin ako sa kabuuan ng girl's comfort room, at mukha namang walang tao at walang nakarinig sa mga sinasabi ko.
Nag-palit ako ng shirt, Masyado kasing mainit kapag dalawang magkapatong ang suot ko. Nahihirapan akong huminga dahil naninikip ang dibdib ko. Hinubad ko na lang ang suot ko kanina, at mas piniling suoting ang bigay ni Aster. Lumabas na ako, at naglakad pabalik sa room. Mukhang masaya ata ang magiging araw ko ngayon, kaysa naman kahapon na hindi man lang maipinta ang mukha ko.
I was too thankful at nagka-ayos na kami, I don't want to argue with him as much as he don't want to argue with me.
"Ready for the game?" Napahinto ako nang marinig ang boses ni Tyron. Tumingin ako sa likod, dahil akala ko ay ako ang sinasabihan niya 'non ngunit kay Camille pala na ngayon ay kasabayan niya sa paglalakad. "Wait, Nagawa mo 'yung assignment sa chemistry?" Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanila habang pinariringgan si Tyron na sabihin iyon.
"Camille!" Kunyaring tawag ko, at halata sa kanilang mukha ang pagkagulat dahil sa aking unexpected appearance. "Andyan ka lang pala, Tara sa room. Anong oras na." Nakangiting sabi ko, at hinila ang kamay niya kaya naman napalayo siya kay Tyron.
"Carina is so insensitive. We're having a chitchat." Ani Tyron, habang may maliit na ngiti sa labi. Nanliliit ang matang tinignan ko siya, at naisipang mag-biro.
"Are you courting her?" Diretsong tanong ko, wala namang masyadong tao kaya ayos lang na prangkahin ko sila.
"No." Sagot ni Camille.
"Yes." Wika ni Tyron.
Nanlaki ang aking mata, at napalayo sa kanila. Nagkatinganan ang dalawa, at halos sabay pang nag-iwas ng tingin sa isa't isa. Iiling iling akong nag-pipigil ng tawa at agad ring binitawan ang kamay ni Camille. "Mauuna na nga ako, baka nag-hihintay si Aster sa akin." Sambit ko, at tinalikuran ang dalawa.
Gusto kong tawanan ang dalawa dahil sa aking ginawa. For sure ay sobrang awkward ng atmosphere sa pagitan nilang dalawa, at mas lalo pa ngayong iniwan ko sila. Hindi matanggal ang ngiti sa aking mga labi, sa wakas ay tapos na rin ang pagiging fangirl ft. Lover ni Camille kay Comet.
Pumasok na ako sa room, at nakita ko kaagad ang pag-tingin sa akin ni Aster. Lumakad ako, at umupo sa kanyang tabi habang siya naman ay nanatiling tahimik. Binuksan ko ang aking notes, at tinignan kung tama ba ang ginawa ko sa chemistry.
Nagulat ako nang biglang may ilapag si Aster sa aking table, Isang maliit na envelope na may iba't ibang desenyo sa bawat sulok. Agad akong napatingin sa kanya, habang siya ay nakangiti lang. "What's this?" I asked. It's seems like an invitation, pero bakit naman niya sa akin 'to ibibigay.
"We're invited. Do you want to come?" He asked. Mas lalo akong napakunot, Bakit naman kami iimbitahan? Binuksan ko iyon at binasa ang nakasulat. It's handwritten? I can't believe it's handwritten! Hinipo ko pa iyon at totoo nga, Ang ganda ng pagkaka-cursive. Parang isang sulat na ipinadala noong unang panahon.
"Lahat ng invitation ganito? For sure napagod 'yung nag-sulat." Nawala ang ngiti sa kanyang labi at napahawak sa batok, May mali ba sa sinabi ko?
"Don't mind it. Are we coming or not?" Tanong niya, Tinignan ko kaagad ang nakasulat sa harap and I saw my name. And his name too, We're invited. I find it little strange, Sino naman kaya ang mag-iimbita sa amin? At sinong high-profile ang mag-bibigay sa amin ng ganito? "You have a lot of questions in your head, My instinct says so." He continued.
"Alright. We will, Are you gonna fetch me?" Nakita ko ang pag-guhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi ng sabihin ko iyon. Masyado atang bigdeal sa kanya ito.
BINABASA MO ANG
Catching The Brightest Star [HS#2]✔
Teen FictionHechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, until we give up. Why are we so obsessed? Maybe because he's handsome, or maybe he know how to play guitar that turn on most of girls, To the hi...