CHAPTER TWO

148 5 0
                                    

 _____________________________________________

Naglalakad ako papuntang Washroom ng mag-isa.As in ALONE,dahil ang mabait kong BESTFRIEND lang naman kasi sinusulit ang pag-uusap nila ni Glenn na akala mo ay wala ng bukas para magchitchat uli.

Bitter talaga ako,I need to pee na kasi talaga pero dahil nga andiyan ang pinakamamahal niya.Ayun sinabi lang naman niya sakin:

'You know,you can wee-wee alone,moment ko na 'to girl!Hihihi'

Oh diba? Wow lang. Sobrang great niya lang na isipin mo,dahil may lovelife na ang bruha,nakalimutan nyang may matalik siyang kaibigan.

Pwede nang mahashtag ang : #medyosadatasar

"Ahh---"sasabihin ko pa lang sana na 'ARAAAY' sa taong nabunggo ko e bigla bigla niya akong hinila sa pader ng bakanteng room na nadaanan ko at tinakluban ang bibig ko.

Si Renji slash MALOVES Perez. Siya ang kinatigil ng mundo ng pagdadrama ko!

Sobrang lapit niya at hingal na hingal habang nakatakip pa din ang isang kamay sa bibig ko.

"You are Maggi Chen....right?"hindi ko alam pero titig na titig siya sakin at parang any moment malulusaw na ako dito na parang ice cream.

Nanghihina kasi ang tuhod ko,yung dugo sa katawan ko naipon sa mukha ko and my body started to shake dahil sa kakiligan.

"Hmmm-Hmmm"tumango lang ako kasi naman nakatakip pa yung kamay niya sa bibig ko.

Tinanggal niya naman ng marealized that I can't speak clearly when his hand still attached to my mouth.

"Do you know the word,private huh?"

"H-huh?Ano?"

Bigla naman niya na naman akong naitulak sa pader at mahinang nanggigigil na tiningnan ako ng taimtim sa mata.

"Don't play with me Ms.Chen,I know that you already knew what I'm thinking"

Kinakabahan ako kasi kitang kita ko yung malacommercial ng Colgate na ngipin niya na nangangalaiti sa galit habang diretso pa din nakatingin sakin inches away from my face.Alam ko sa sarili ko na kinikilig ako at the same time pero narealized ko kilig sa takot na pala nararamdaman ko.

Hindi ako makaimik. Tsaka ko lang narealize kinakausap niya lang ako dahil alam na niya na AKO yung babaeng tinatawag niya at I'm pretty sure na nagkaidea siya na dalawa lang kami ni Mhelle na nakauniform na babae sa party then eventually ako lang ang nawala sa party agad-agad.

"Speak..."nagcrossed arm siya sa harap ko at tila hinihintay ang sasabihin ko.

"Eh hinahanap ko lang naman si Sir nun para magpaalam sana at itinanong ko dun sa ahhh,ahmm sa yaya nyo kung asan si Sir then she said nasa poolside.So dahil nagmamadali akong umuwi mabilis din akong nagpunta sa poolside...tapos"

Napasapo naman siya sa noo niya nung matapos ko yung sinasabi ko kaya mabilis naman akong nagreact.

"Pero don't worry Malo-este Renji,zizip ko lang mouth ko. Promised"naggesture pa ako na sinizip yung mouth habang nakangiti sa kanya.

Mga ilang saglit din bago siya magsalita at tumingin sakin nun e at naudlot na rin ang sasabog kong pantog,ewan ko ba dapat nga naihi na ako dahil sa kilig pero hindi talaga,umurong 'to bigla.

"Okay.That makes the conversation between the two of us clear.Hindi ka naman pala mahirap pakiusapan"inayos niya ang jersey niya tapos nilingon ang paligid.

Naisip ko naman bigla si Sir kasi parang niloloko niya 'to."Pero,paano si Sir?Hindi ka ba nakokonsensya?"

Tiningnan niya ako ng masama at akmang isasandal na naman ako sa pader kaso naharangan ko na ng kamay ko at pumikit.

"It's not your business anymore.You are just....nothing.I'm warning you Ms. Chen,just zip your mouth before I put you to any damage"tapos umalis na siya at tanging hangin lang ng pagdaan niya ang naiwan sa kinatatayuan ko.

Naisip ko naman na para akong tanga.

->///////<- Bakit kahit nainis na siya at tinapunan ako ng masamang tingin,at the same time....Binalaan.

TAE KINIKILIG AKO?

Hihihi.Astig niya kasi mga men mag-ENGLISH,ang cool cool niya at grabe,may points na ako,1-1 na kami ni bruhang CHLOE,huh! Nakausap ko pa ng matagal e siya hanggang 'Hi' lang.

IMPROVEMENT YUN!

 ______________________________________________________

Dito na muna salamat sa sumusubabaybay. Meron nga ba ? Hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon