Random Genre Scores and Feedback

414 45 166
                                    

"Failure is the key to success; each mistake teaches us something."

📚Random
📕Judge's: SyzygyWP and Aniway_Arad

1 darkFortalejo_16- Five Deathly Weapons II
2 enirose19 - Some Things You Need To Know
3 miZzYrhonne- Whisky Lullaby

---
👑CHAMPION
I. (FIVE DEATHLY WEAPONS II)

Book Cover: 10
I really don't know the standards of a good cover, but I must say that you actually pulled this up! Bukod sa eye-catcher na yung pabalat mo, akma pa yung larawang ginamit mo sa mismong kwento mo. 'Nung unang kita ko pa lang ng cover mo, naisip kong may pagka-badass yung Protagonist mo dito sa nobelang 'to. Hindi naman ako binigo ng inaasahan ko. Good job for that! And lastly, nagustuhan ko rin yung pagkaka-arrange ng Badges sa cover mo kasi hindi siya makalat tignan.

Title: 10
Maganda yung concept na naisip mo para sa title mo; Ang advantage ng paggamit ng Series Titles, lahat ng mga Protagonists mo sa kwento ay mabibigyan ng exposure. Pero yung disadvantage, medyo ma-bo-bore yung ilang readers kase tatatak sa isipan nila yung Subtitle mo (Five Deathly Weapons). But for me, it's superb! Just be careful on using those kind of titles.

Blurb: 13
I love the way you narrate the scene on your blurb. Direct to the point, precise, and accurate. And upon reading your Prologue, I don't know if it's just me or what, pero nalabuan lang ako doon sa part na sinabihan siya ni Miss Asurey na kailangan niyang pumunta ng States. Nung una naisip kong doon siya dadalhin para dalhin siya sa magandang hospital. Pero hindi, masyado siyang vague... Pwede naman siyang dalhin sa hospital somewhere here in the Philippines because it's just a simple fracture. Therefore, you need to revise the said part.

Technicalities: 14
Maganda yung writing style mo. There's no doubt about it. But just like other's works, meron at meron ka pa rin talagang makikitang errors and such. As of your novel, ang pinakauna ko talagang napansin ay ang hilig mo sa paggamit ng repetitive expressions. (Ugh!) Try to minimize it...

Madami ka ring unneccesary comma na ginagamit, which is a little bit irritating. Too much usage of comma's will lead you to Comma Splices. (To know more about Comma Splices, you can search it over the internet).
Improper usage of Compound Words. Yung isang word lang dapat, ginagawa mong dalawa. (Kina-kabahan, ma-ingat, pina-pasukan) It should be "Kinakabahan, Maingat, Pinapasukan".

About the codenames/nicknames of your characters. Sumakit yung ulo ko dahil sa daming palayaw ng mga karakter mo. Kinailangan ko pang magsulat para lang ma-determine kung sino si ganito, si ganyan...

As of the Grammar, it's good. Pero minsan, nagkakamali ka lang sa paggamit mo ng Prepositions and Tenses mo. But don't loose hope. :)

Plot: 15
Hindi naman na bago sa' kin ang ganitong klaseng plot. I've read a lot of books that have this kind of plot like yours. But what makes it stand above others is that you are good on investing emotional values on your character. In short, you are good in characterization.

Uniqueness: 14
Tulad ng nasabi ko, common na sa Wattpad ang ganitong klase ng kwento. I'm not stereotyping here. Pero ituloy mo lang ang pagsusulat. Intentionally or not, hindi din naman kasi maiiwasan ang pagkakaroon ng similarities dahil sa dami ng manunulat sa platform na 'to.

Wattpad Story Awards 2018 [SEASON 3-CLOSED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon