Panimulang Yugto

23 0 0
                                    

Limang taon. Limang taon ang ginugol ko sa Inglatera para tapusin ang pag-aaral kong matagal ko nang pinangarap. Naalala kong ginusto kong lumayo ng Pilipinas ay dahil wala na itong pag-asang maayos pa. At para gamutin ang sugatan at naghihingalo kong puso.

Pero eto ako ngayon, nasa isang pagtitipon kung saan ilan sa mga prominenteng tao sa Pilipinas at ibang mga bansa ang dadalo. Centennial anniversary ng pagkakasundo ng Pilipinas at ng Unyon ng Asia. Dumalo ako rito bilang isang advisor ng kinatawan ng Thailand.

Abala ang aking pinagsisilbihang prinsesa ng mga Thai sa pakikipag-usap sa Hari ng Indonesia at sa mga kasama nito. English naman ang gamit nilang salita kaya hindi ako namroblema nang ako ay lumayo sa mga kasama ko. Kumuha ako ng isang champagne at uminom nito ng kaunti. At pumuwesto sa isang sulok kung saan walang masyadong tao.

Alam kong magkikita kami rito. Sa isip ko. At handang-handa nako.

Di kalaunan ay dumating ang hinihintay ng karamihan. Ang 'crowned prince' ng Pilipinas, kasama ang ilan sa mga taong nagsisilbi rito.

Nagtagpo ang aming mga mata. Sabi na nga ba, magkikita kami talaga rito. Ang hitsura nya, malayung-malayo na sa dating kaklase at kaibigan kong tinuring.

Nagbago man ang kanyang pisikal na hitsura, alam ko sa sarili kong hindi nagbago ang nararamdaman ko sa lalaking ito. Siya pa rin. Of all these years. Hindi ko na tinanong ang sarili ko kung bakit siya pa rin. Hindi na ko teenager para kwestyunin iyon.

Ilang minuto. Ilang minutong tumigil ang mundo ko nang pagkakataong iyon. Pero nagawa ko pa ring ngumiti. Ang ngiting iyon ay mapanuri, nasa labas lang pero walang kahulugan sa loob. Tinugon iyon ng matamis na ngiti. Ngiting hindi ko nakita ng ilang taon.

"Lee," ang bumasag ng ilang minutong katahimikan.

Sa pagkakataong ito, itinaas ko ang aking noo, ipinagpatuloy ang pagngiti, bago ako yumuko ng bahagya at nilagay ang kanang kamay sa dibdib.

"Kamahalan..."

The Crowned Prince and the GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon