Napabuntung hininga ako.
Ano na naman bang trip sa buhay nitong si Rojo? Nanghihingi na ba siya ng kapalit sa mga ginawa nyang pagtulong sa akin? At... saan ako maghahanda? At... paano ko ihahanda ang sarili ko?
Huling minuto na ng pumasok ang aming guro. Agad nagsipag-ayos at umupo ang mga kaklase ko.
"I have an announcement to make," bungad nito.
Narinig ko na ang bulungan ng mga tao rito sa loob ng classroom. Pero siyempre, poker face lang ako.
"Next week, we have a national conference to be held in this school. It will be a long week Teachers' Conference so we will give you a week of no classes," patuloy na sabi ng aming teacher. So ang kanina ay bulungan, ngayon ay nag-ingay na ang lahat, maliban na lang siguro sa akin.
"But..." may pero kaya biglang natahimik ang lahat. "We will need to remediate five days of no classes so starting next next week, we'll have Saturday classes for five weeks," ngunit walang pa ring pakundangan ang mga kaklase ko, masaya pa rin sila na walang pasukan, pero ako? Huh... hindi ako masaya.
"And I'll dismiss you early today." At tuluyan nang nag-ingay ang buong klase. "QUIET!!!" Sumigaw na siya.
-
Alas tres ng hapon. Bumalik ako sa Aria Garden para balikan yung baunan ko kung nandoon pa. Hindi naman ako nagmamadali pero ewan ko kung bakit nacurious pa akong pumunta roon.
Natigil ako bigla nang makita ko ang malawak ng open greenhouse. Napakapresko dito, sa totoo lang. Maraming nakatanim na mga bulaklak sa hardin na ito. Sa isang banda ay may mga prutas at gulay na nakatanim rin. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nangingilag ang mga esudyante rito. Hindi kaya sila nakakaappreciate ng mga ganitong lugar? Marahil ako nga lang yata ang tumatangkilik ng mga ganitong klase ng lugar. Isa nga akong nerd.
Ipinangalan ito sa sister-in-law ng school principal, na isa ring miyembro ng bandang Blueray ng Inglatera. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang masalimuot at matamis na kwentong pag-ibig ng kapatid ni Principal Rainier at ni Aria Cowell-Bernardino dahil naisapelikula na ito. Kaya naman malapit na akong maniwala na kayang mag-antay ng isang tao sa ngalan ng pag-ibig. May takdang panahon sa lahat ng bagay, na hindi kinakailangang gumawa ng mga mabilisang desisyon na mahahantong sa isang pagkakamali.
Pero kung panahon lang din naman ang pag-uusapan, may takdang panahon pa kayang magbago ang Pilipinas? Hindi kasi mawala sa isip ko na lugmok na ito, at wala pang isang porsiyento ang pag-asa nitong magbabago pa. Kaya naman isinusulong na ang pagbabago ng Konstitusyon rito. Kung sa kagaya rin lang ni Rojo mapupunta ang posisyon, hay naku wala akong kumpiyansa. I don't mind Madame Diana. Alam kong kaya niyang ibangon ang bansang ito, kay Rojo lang umiiling ang utak ko.
Huh? Wala na rito yung lunch box ko. Bumuga ako ng hangin. Baka may janitor na rito kanina at itinapon na ito. Di bale, makaupo nga muna sa bench.
Huminga naman ako ng malalim. Nagpapasalamat ako at maagang tinapos ang klase namin. May kulang dalawang oras pa ako bago ako magturo kay Indi. Dirito muna ako, magpapahangin lang.
Nakapikit na yata ako ng ilang minuto nang may tumapik ng balikat ko. Idinilat ko ang mga mata ko at lumingon sa aking likuran.
"Oh, it's you," maaliwalas na ang mukha ni Lem, taliwas sa hitsura niya kaninang namumutla. Lumakad ito at umupo sa... tabi ko.
"I came back here to chill," sabi niya. "Lem na lang."
"Uhh..." hindi ko alam ang sasabihin eh. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

BINABASA MO ANG
The Crowned Prince and the Genius
RomanceSo eto na nga. Kung kailan nauso ang mga 'millennials', nagkaroon ng usap-usapang ibalik ang monarkiya sa Pilipinas. Akalain nyong may ganun pala dito? Naloka is me. Pero wala talaga dun ang concern ko. Ako'y isang mamamayang salat man sa pera ay g...