Sa totoo lang, bored na bored na ko sa mga lessons and topics ngayon.
Yes, it was our first week of classes. And halos lahat ng aralin na itinuturo ng mga teachers dito ay alam ko na. Saka lang ako nagkakainteres sa mga bagay na hindi ko pa alam.
Eto namang si Veran ay lagi kong inaalalayan pagdating sa mga araling pang-akademiko. Medyo mahina kasi ang pick-up nito. Hindi naman ako selfish para hindi rin siya turuan nga bagay na hindi nya maintindihan.
Ewan ko, nawalan na talaga ako ng gana. Isang linggo pa lang ang nakakaraan parang ayoko nang mag-aral. Pero hindi to pupuwede.
May mga bagay akong kelangang mafulfill. Di ako pwedeng manega ngayon.
"Hoy Lee, bakit nakabusangot ka na naman dyan?" sabi ni Veran nang makalabas na yung teacher namin sa isang subject at nag-aantay ng kasunod na teacher. Nakatitig kasi ko ng masama sa whiteboard eh, na nakapangalumbaba. Wala eh, I just feel like it, hindi ko mapigilan.
Tiningnan ko lang din ng masama si Veran, at bumalik ng tingin sa whiteboard.
"Ay masungit siya oh. Mukhang meron siya oh," which after e napapitlag ako. Wala naman akong dalaw pa ah!
"Wala pa kong dalaw Veran! Tsaka ang ingay mo!" iritableng sabi ko. Mamaya marinig siya ng mga kaklase namin!
**flashback**
Uso pa ba ang introductory? Hay wala din naman akong effin choice diba.
"Good morning, I am Ferlee Suñga, nice meeting you all," tipid na sabi ko. Paano ba naman, karamihan sa kanila, nagpakilalang mga mayayamang tao.
"Hiiii, this is blah-blah from Kurama Elite School, my parent's businesses were hotel and restaurants chains. We own blah-blah company..."
"G'day, blah-blah here from Kurama Elite School and we own blah-blah, I bet that you always go there..."
"I am blah-blah and I came from Kurama Elite School and our company is quite popular..."
"You all can call me blah-blah and I was already a residing stuudent here at St. Agnes. And as you all know, blah-blah, we own it..."
Tapos andaming achuchu. Nakakairita kaya. Kung tutuusin hindi naman nila pinaghirapan yun.
Pero after ng tipid kong introduction, nagulat ako sa tinanong sakin.
"DO YOU HAVE A COMPANY LIKE US?" napatingin ako. Anong masasagot ko? Ito na ba yung kung saan magi-start na bully-hin nila ko?
"I have none. I am just a daughter of a poor family and currently doing a part-time job. I am a full time scholar of this academy," nakahinga ako ng maluwag. Pero inakala ong ok lang sa kanila, yun pala after 5 seconds, dun lang nagsipagtawanan ang lahat na parang may nasabi akong nakakatawa.
Sabi ko na eh. Napanood ko na to sa mga cheap na teleserye dati eh.
"Quiet! There's nothing funny on what Ms. Suñga said," yung homeroom adviser namin na mukhang hindi pa ganoon kabihasa magturo, si Ms. Julaton.
At nagsipagtahimik ang lahat. Ako naman, hindi ako mapagpatol sa mga stereotype people na gaya ng mga ito. Alam ko naman sa sarili ko ang kinalamang ko eh. Pero hindi ko to ipagsasabi.
Nakita ko sa gilid si Rojo. Hindi nako magtataka na dito siya nag-aaral, palibhasa kamag-anak nya yung anak ng may-ari ng school na ito.
Paano ko nalaman? Siyempre secret na yun. Charot lang. May bibig si Madame, may tenga ako.

BINABASA MO ANG
The Crowned Prince and the Genius
Lãng mạnSo eto na nga. Kung kailan nauso ang mga 'millennials', nagkaroon ng usap-usapang ibalik ang monarkiya sa Pilipinas. Akalain nyong may ganun pala dito? Naloka is me. Pero wala talaga dun ang concern ko. Ako'y isang mamamayang salat man sa pera ay g...