Ikalawang Yugto 🔮

14 0 0
                                    

"Lee, saan nanggaling ang lahat ng to?" Tanong ni Mama. Ihinain ko kasi lahat ng naiuwi kong pagkain sa maliit na mesa, magkakapatong pa rin kasi yung ibang ulam kasi hindi kasya sa mesa namin.

"Galing po sa bago kong Amo, may tutorial na po ako next week eh, mantakin pa sa Bernardino Heights pa yun!" Masayang sabi ko.

"Aba, mayayaman nakatira dun ah! Andami naman nito," manghang mangha yung nanay ko, naghawak ng ilang ulam. "Matutuwa si Papa nito."

Ngumiti ako. Hindi ko maaaring pakitaan ng kahinaan ang Mama ko, baka sumpungin ng sakit sa puso.

"Oo naman Ma."

Nalukot ang mukha nya. "Pasensya ka na, ikaw na naman ang kailangang kumayod para sa amin ni Papa mo, kung hindi lang mababa ang kinikita nya sa pagbebentang balot---"

Naging alerto ako. "Ay naku Ma, ayan ka na naman. Di ba sabi ko naman, para saan pang naging anak nyo ako diba? Kaya ko Ma. Wala kang dapat ikababa ng tingin sa sarili nyo ni Papa. Maswerte pa rin ako," putol ko sa sinabi nya.

Niyakap nya ako. "Osha, alam ko naman na pinapasaya mo lang ako."

Umirap akong nakangiti. "Mama talaga. Teka Ma, pahinga muna ako." At dumeretso sa masikip kong kwarto. Humiga ako sa sapin na higaan ko. Malinis na ito. Tss, naglaba na naman si Mama! Ano ba yan! Ayaw ko ngang nahihirapan yan, mas mahihirapan kami ni Papa pag naospital siya eh!

Napapikit ako. Mamaya na ako mag-iigib ng panligo. Alam kong nangangamoy na ako kasi bukod sa wala akong ligo, andami kong pawis ngayong araw.

-------------------

"Isang nagbabagang balita, ipinasa na ng kataas-taasang korte ang pagbuhay ng monarkiya sa Pilipinas. Ang buong detalye, nagbabalita si Irene Demanarig..." Heto, nakikinood ako kay Veran. At itinuloy ko ang pagnood at pakikinig.

"Patuloy nang kinakasa ang pagbabalik ng Philippine Monarchy sa lalong madaling panahon, matatandaang nagbago ang pamumuno sa Pilipinas at pagsakop ng demokrasiya dahil umano sa 'inefficiency deed' ng dating Haring Diego Lopez noong 1970's. Naghain ng petisyon ang mga taga-supporta ng yumaong Hari ngunit ito'y naibasura sa kadahilanang kulang sa sapat na ebidensya at dahil sa poor performance nito. Ngunit hindi nagpatinag ang mga ito at gumawa ng paraan upang ito may maibalik sa Pilipinas dahil sa 'economy reasons' at kasalukuyan pa ring isinusulong ang adjustment change ng pagkakapwesto ng mga tatayong Monarka," anang reporter.

So eto na nga ang mangyayari? Kung sabagay, lubog na ang Pilipinas dahil sa politika pero dapat pa rin nilang timbangin ng maigi ang desisyong ito.

"...ngunit ayon sa batas ng monarka, kailangang lalaki ang mamumuno sa bansa, ang tanging anak ng dating Haring Diego na si Diana Lopez-Hontiveros na dapat uupo sa pwesto bilang pinakamataas na katungkulan sa Pilipinas bilang Reyna ay hindi pinapahintulutan ng nasabing batas. Ngunit pansamantalang siya muna ang mamumuno pag naisulong na ng tuluyan ang monarkiya," pagpapatuloy ng reporter.

"Hinahanda ko ang pamilya ko sakaling mangyari iyan," ayon sa panayam kay Madame na siya ngayong nakaflash sa screen. "Lalo na ang panganay kong lalaki, si Rojo Kyx, pagkat masyado pang bata ang bunso kong si Indigo Nyx na isa ring babae. Ngunit umaasa ako na papahintulutan nilang ako ang magdedesisyon ng lahat kapagka maayos na ang lahat." At nagpakita ito ng isang sinserong ngiti. Tumango-tango ako upang sang-ayunan ang sinabi nito.

May pag-asa pa kaya ang Pilipinas? Kung meron man, e di maigi. Pero hindi pa rin magbabago ang desisyon kong umalis sa bulok na bansang ito.

Gumalaw ang mumunting sofa na kinauupuan ko, tinabihan ko ni Veran, may hawak-hawak na mangkok. Tiningnan ko ito, amoy sukang puti, at may kornik ito. Bigla akong naglaway.

The Crowned Prince and the GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon