Dahil nakipagdiskusyunan pa ako, pinili na lang siguro ng kamahalang nasa tabi ko ngayon na sakyan ako sa kaartehan ko. Hindi siya nagdala ng kotse o anumang sasakyan para ihatid ako sa bahay. Nakakapagod kayang makipag-argumento sa kagaya nya. Mabuti na lang hindi nya pinairal yung pagiging spoiled brat nya. Sanay akong magalakad, besides siya naman ang nagprisintang ihatid ako in the first place diba.
At naaapreciate ko naman ang pagiging gentleman ng isang to. Siya na ang nagbitbit ng mga dala ko, kasama na ang pagkain ni Veran. Speaking of which, nag-aalala na ako ng sobra dun. Alam naman nyang nag-aalala ako sa mga ganitong bagay pero pinili nyang wag akong sabihan. Naisip ko tuloy yung sinabi ni Tita Veron kanina.
Eh? Magkano na phone ngayon? Tsaka pag hindi na touch screen ang phone ng tao, hindi na in. So what? Pero I'll consider tutal ginagamit na rin yun for researching.
"So hindi mo man lang talaga ako kakausapin?" Napapaikit na lang ako nang biglaang magsalita si Rojo. Baka nabother ako sa iniisip ko diba?
"Hindi naman sa ganun. Uhm, uh-kasi may iniisip lang ako." defensive na sagot ko.
"Iniisip mo baka your mom might scold you? E ako ang magpapaliwanag if you want, I'll go with you," aba sumosobra na ang isang to ah. Ang usapan hatid lang, hindi makipagchitchat sa nanay ko.
"As you can see, may ihahatid pa akong pagkain kay Veranico diba? So hindi mo na kelangang sumama. You can go home. Be productive, don't be your Queen mom's headache. Mahirap ba yun?" ayan na, baka uminit na naman ang ulo ko. Right here, right now.
I heard him chuckle. Ano, nakakatawa ba yung sinabi ko?
"Kawawa naman si Veran sa attitude mo. Buti hindi nagsasawa yun sa pagiging cold mo, 'ya know that?"
Nilingon ko siya with sharp sight. Cold pala huh?
"For your reference, kilala ako ni Veran. At hindi ako cold."
Nanahimik siya. Well, tama lang na manahimik siya.
Iniisip ko tuloy kung maniniwala ba sa alibi ko ang Mama at Papa ko. Never pa akong hindi umuwi sa bahay kahit sobrang late na. Hindi ko rin maiwasang mag-alala para sa ina ko. Kung hindi sakitin yun, baka nag-memake up classes na ako ngayon sa University of the Philippine Republic, nag-aadvance learning kasi kaysa kumalawang ang utak ko.
What if ipinanganak akong mayaman? Nasaang estado na kaya ako? Mababago ba nito ang buhay ko? O baka sinayang ko ang pagkakataong isa akong child genius?
I'm too sentimental again. Paano, sobrang tahimik naming dalawa.
Itong si Rojo, may pagka-bipolar. Definition of bipolar? Known previously as manic depression, a mental disorder that causes periods of depression and periods of abnormally elevated mood. Swinging of mood. Na-diagnose na kaya siya nito? Napaka-jolly nya minsan, tapos bigla-biglang nagiging masungit. E siya pala 'tong pwede kong tawaging 'Hot 'N Cold' eh. Pero sige dahil niligtas nya ang buhay ko, pagbibigyan ko siya ngayon. Bukas makalawa, wala nang ganito. Sa mga gaya nya pa, mukhang hindi uso ang permanente sa kanya.
Malapit na kami kina Veran. Sana naman wag nang mangulit ang isang 'to na ihatid ako sa bahay.
Hinablot ko ang mga gamit ko at pagkain ni Veran kay Rojo. "Ok na, hanggang dito na lang, maraming maraming salamat sa paghatid, Kamahalan..." kita mo na? Hindi ako cold gaya ng sinabi mo. Marunong akong makaappreciate ng mga bagay-bagay.
"Hmp, don't ever call me that, nerd. Wala sa isip kong maging Hari anyway. But, you're welcome." Hay salamat naman at hindi na siya namilit na pumunta sa maliit naming bahay.

BINABASA MO ANG
The Crowned Prince and the Genius
RomanceSo eto na nga. Kung kailan nauso ang mga 'millennials', nagkaroon ng usap-usapang ibalik ang monarkiya sa Pilipinas. Akalain nyong may ganun pala dito? Naloka is me. Pero wala talaga dun ang concern ko. Ako'y isang mamamayang salat man sa pera ay g...