Ang init naman dito!
St. Agnes Academy. Naturingang isa sa mga prestihyosong eskwelahan sa Pilipinas, hindi man lang mag-effort mag-innovate ng maayos na ventilation para sa mga nagrerehistrong makapasok dito!
Unang taon ko ng senior high school. At dito ako nag-apply ng scholarship kasi gusto ng mga magulang ko na makapagtapos ako sa magandang eskwelahan. Sayang daw ang pagiging matalino ko.
Karamihan sa mga nandito, mga de-kotse, gadget, halatang mga anak-mayaman. Huh, bulok kasi ang sistema dito sa Pinas kaya kung sino pa mayayaman, sila lang lalong yumayaman.
Base sa nabasa kong Economy book, in every penny that these rich people have in the stock market, they make sure that it's monitored and increases. So they don't work for money anymore. Money works for them. Crap.
After ko mag-enroll, maghahanap ako ng part time na trabaho. Maboka naman ako eh.
It was my turn.
"For scholarship po," iniabot ko sa makipot na glass window yung mga papeles at requirements na kailangan nila.
In fairness, masungit yung Ateng nag-aassist. Pero kiber, basta matanggap lang ako rito. Next year na uli kami magkikita.
Walang sabi-sabi ay may inabot siya saking pirasong papel.
**APPROVED**
Yes! Matutuwa sina Mama at Papa nito!
Kaso kumalam sikmura ko. Hindi kasi ako nakapag-agahan eh. Wala kasing kita si Papa kagabi sa pagtinda ng balot e kasi naman malakas ang ulan kagabi.
Sa totoo lang naaawa na ako sa mga magulang ko. Kung hindi lang kasi requirement ang pag-aaral, e di sana ang tagal tagal ko nang nagtatrabaho. Maalam naman na ako sa lahat ng bagay eh.
Dibale, may P10 pa naman ako eh. Bibili na lang ako ng fishball sa kanto. Kantong malayo dito kasi nasa exclusive lands ako. Walang ganun dito. Hay, matinding pagod to. Mamaya konti pag-uwi.
So lumabas na ko sa St. Agnes pero ang init talaga! Tss, kala ko medyo ok ang panahon kasi umulan kagabi. Ni halos wala na ngang bakas ng tubig o putik sa daan kasi tuyo na. So pinaypayan ko ang sarili ko nung envelope na hawak-hawak ko. Mag-aapply nako ng trabaho. Iwo-walk in ko na lang, wala akong pang-internet eh, mas madali sana pag sa JobAvenue ako naghanap.
Naramdaman ko yung cellphone kong nagvibrate sa bulsa ko. Nilabas ko ito. Old unit na to, tyinaga ko lang irepair. Vokio 3310 to, uso na smartphone eh. Basta may pantext ok na, sira na kasi mouthpiece tsaka speakers nito eh. Keri lang.
From: Veran
Uy Lee, nagpapahanap ng tutor sakin yung amo ng mama ko. Sabi ko ikaw na lang. Bet mo?
Napangisi ako. Salamat sa Diyos di nya na ko pahihirapan.
Nagreply ako.
To: Veran
Bet. Pakisabi kay Tita keri boom boom. Saan yan?
Init talaga. Buti may baon akong isang litrong tubig. Nilabas ko yun sa bag ko at uminom nun. Tapos balik sa bag uli, tinitipid ko to. Alam kong magiging mahaba ang araw ko eh.
Ilang sandali pa ay may reply.
From: Veran
Sa Bernardino Heights, magkita tayo ngayon. Papunta din ako dun ngayon eh.
Shet. Sa Bernardino Heights. Ang alam ko, pagmamay-ari ng principal ng St. Agnes ang exclusive subdivision na iyon.
Si Veranico. Ang kababata at kaibigan ko. Alam kong nangangatulong ang nanay niya, mapagtapos lang siya. Bagay na hindi kaya ng mama ko dahil sakitin ito.

BINABASA MO ANG
The Crowned Prince and the Genius
RomanceSo eto na nga. Kung kailan nauso ang mga 'millennials', nagkaroon ng usap-usapang ibalik ang monarkiya sa Pilipinas. Akalain nyong may ganun pala dito? Naloka is me. Pero wala talaga dun ang concern ko. Ako'y isang mamamayang salat man sa pera ay g...