Ikapitong Yugto 🔮

10 0 0
                                    

Habang magulo ang classroom, ako nama'y busing-busy sa pagcacalculate ng isang derivative graph na nakita ko sa library. Masyado nang advance ang Calculus pero ayokong makihalo sa kaguluhan nila sa klase palibhasa binu-bully lang din ako ng lahat, maliban siyempre kay Veranico na magaling na ngayon.

Kaso dahil sa insidenteng naganap noong nakaraang pagbisita ko sa bahay nila ay medyo naiilang akong kausapin siya. Feeling ko pagtingin ko pa lang sa kanya, lumalakas yung kaba ko.

Kaya para iwala yung nararamdaman kong kaba, dumaan ako ng library ng maaga para makakuha ng mga fresh ideas. At heto ngayon, nagkakalkula ako ng derivative graph.

Biglang lumipad yung blade eyes ko at tiningnan ng matalim yung asungot na ngayo'y nakatayo sa harapan ng desk ko at nakangisi.

"Hey genius," bungad na bati ni Rojo.

Tsk, ano na naman bang trip nya sa akin? Di nya ba nakikitang busy ako?

Yumuko siya. "Nice bungad."

Umarko ang kilay ko. "Hindi mo ba nakikitang busy ako?"

"No hello?" labi naman nya ang umarko. Ugh. Mababali ko na ata yung ballpen ko sa higpit ng pagkakakuyom ko.

"None for you." Sabay baling uli sa atensyon kong nasa papel na.

"Oh come on," nilebel nya ang sarili nya sa desk ko at inilapit ang mukha nya sa mukha ko. "I'll bug you if you don't notice me this close."

"What the f---"

Mapapamura na ba ako? Tinuruan naman ako ng mga magulang ko na masama ang magmura, pero I feel like doing it.

On my peripheral vision, nakikita ko na yung mga mag-aabang saking mga kababaihan sa labas ng eskwelahan. Palibhasa ako ang trip ng isang 'to, na alam kong kinakainisan na ako ng mga kaklase naming mga babae.

Balik tayo sa current situation. Medyo naslow ako roon, bago ko iiwas ang mukha ko at tampalin ang mukha nya.

"Masyado kang malapit. Yung laway mo tumatalsik," napapikit na lang ako sa inis ko sa kanya.

He grinned before he stood up. "Alright. May itatanong sana ako kaso mamaya na lang pag maayos na ang mood mo."

"Bakit di mo pa itanong ng diretso, may mga pakulo ka pang ganyan?" habang nakatutok na naman ang mata sa graph na ginawa ko. Tsk, hindi ko tuloy matapus-tapos tong ginagawa ko.

"I think it will not interest you at this point, so I'll retreat for now. Mamaya na lang sa mansyon," at naramdaman kong lumayo na siya kasi pahina na yung yapak ng mga paa nya.

At some point, naisip kong baka nakita iyon ni Veranico at baka pag-isipan nya ako ng hindi maganda. Agad kong hinanap si Veran sa silid na iyon. Nakita ko naman siya na nakatitig lang sa notebook nya.

Napalunok ako. Nakita nya ba yung nangyari kanina? O talang umiral na naman ang pagkashunga nya kaya nya binabasa yung pahina ng notebook nya.

Pero kilala ko siya. Ni hindi nya matagalan ang pagbabasa ng mga sinulat nya sa mga notes nya palibhasa pangit ang penmanship nya.

Am I too paranoid? Ano na bang pumapasok sa isip ko at bakit ganito ako? Like, seriously? May gusto ba talaga ako kay Veran? Or nagiging conscious ako masyado para sa kanya kasi sa elite school kami nag-aaral kaya nag-aalala ako para sa kanya?

Whatever.

May nakita akong limang set na mga sapatos sa paligid ng desk ko. Tumingala ako at gaya nga ng sabi ko kanina. Mga kaklase kong babae, pinaliligiran ako.

The Crowned Prince and the GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon