Inabot nya ang selepono nya sa akin. Medyo nanginginig pa akong kunin iyon.
Hindi ko pwedeng sabihin na muntik nang maging alanganin ang buhay ko kanina, baka atakihin yun.
D-in-ial ko ang number ni Mama at agad naman iong sumagot.
"Sino ito?" bungad ni Mama.
"Ma, Lee po, nakitawag lang ako. Pasensya na po hindi po ako makakauwi k-kasi a-ano... andito po a-ako sa amo ko at nagrequest po ng o-overnight," tumingin ako kay Rojo na nakaangat na ang mga kilay dahil hindi ko sinabi ang totoong nangyari. Alam kong iyon ang nasa isip nya ngayon.
"A-ah o sige. Ilolock ko na lang yung gate, nagtinda kasi ng balot ang Papa mo eh, mag-iingat ka ha, I love you anak. Sige sayang load ng amo mo, bye," at iyon lang. Natulala pa ako kasi paano mauubusan ng load e mayaman yung amo ko? Stiff tuloy yung pagtawa ko.
Naghalukipkip si Rojo. "Why didn't you tell what exactly happened?" takang tanong nya.
Ugh, ayokong magshare ng kahit ano pa man tungkol sa pamilya ko.
"She has a rheumatic heart disease. Hindi ko gugustuhing mangisay ang nanay ko pag nagpaliwanang ako," tipid na paliwanag ko.
"Oh, sorry to hear that."
"Now you know kung bakit gusto ko nang umuwi."
He looked down. "I'm so sorry, pero gusto mo rin bang makita nya yang mga galos mo? Pati yung pasa at putok ng labi mo?" Ngumuso ako. On point naman kasi yung sinabi nya. "Paghilumin muna natin ng konti."
Nagpapasalamat ako at Biyernes bukas at hindi ko na kailangang mag-uniform. PE suit naman ang kailangan, nakatago naman sa locker ko sa school. May extra notes naman ako sa locker kaya doon muna ako magsusulat ng lessons bukas. Ok lang yung mga pangbukas kong books, I have better references, and I pointed my brain.
Yung mga librong binili ko kanina? Hayun, nasa mabuti namang kalagayan. Nasa gilid lang yung mga yun.
Hindi ko inexpect na may pagkagentleman din ang isang to. Pero tanong ko lang...
"Paano mo natunton ang lugar namin?"
He chuckled. "I followed you."
Seriously? So nakita nya rin yung pagpunta ko kay Veran?
"I see."
"So hindi ka man lang hinahatid ng anak ni Ate Veron? That's so ungentleman of him, you know. Dapat man lang hinahatid ka nya, you're a lady, damn it," panenermon nya pa.
Naningkit na naman ang mga mata ko. "Residente ako doon, kabisado ko na lang lugar na iyon. Just so happen na ganoon nga ang nangyari. Kilala nila si Papa, ibig sabihin, kilala namin sila. Pero ayokong malaman ng mga magulang ko ang nangyari. Ako na lang ang magsasampa ng blotter."
Itinukod nya ang kanang kamao sa dingding. "You are still a minor. Tingin mo mapapablotter mo sila ng walang consent ng magulang mo? Use your head, matalino ka naman eh," sarkatiko nyang sabi. Hambog talaga!
Hindi na ako makapagsalita, baka kung ano pa masabi ko sa pangiinsulto nya sa akin.
"I'll talk to my lawyer cousins. I'll ask help from them. So you don't need to worry." Reassuring naman yung mga statements nya.
Napa'thank you' na lang ako.
Ano kayang meron sa lalaking ito? Hindi ko pa nga siguro siya kilala ng lubos kaya wala akong maintindihan sa mga pinapakita nya. Iba kasi ang pagkakakilala ko sa kanya, pati sa descrption ng mga kakilala nya. Anyway, anuman ang pinapakita nya sa akin, it's worth my gratitude.

BINABASA MO ANG
The Crowned Prince and the Genius
RomanceSo eto na nga. Kung kailan nauso ang mga 'millennials', nagkaroon ng usap-usapang ibalik ang monarkiya sa Pilipinas. Akalain nyong may ganun pala dito? Naloka is me. Pero wala talaga dun ang concern ko. Ako'y isang mamamayang salat man sa pera ay g...