[INLWMBB]Chapter 2: Nasasaktan?

51 8 0
                                    

Teka bat ba parang nasasaktan ako? dapat masanay na ako sa mga sinasama niyang babae diba? malala na siguro yung nararamdaman ko sakanya o kaya siguro dahil sa sabon na di niya binalik

Natapos na yung math class namin, and yung next is cooking psshh yun yung pinaka ayaw ko ehh

Sabay na kaming pumunta sa school kitchen ni dyll

*SCHOOL KITCHEN*

Busy yung mga tao dito at ako? Ito naghihiwa

Bat ba kasi sa dami dami ng taong magugustuhan ko bat sya pa? Pwede namang si dyll diba? Bat ba kasi ako na fall sa lalakeng ayaw kong mawala? Kasi baka pag malaman niya na gusto ko baka layuan niya ako, di na niya ako papansinin, Ang sakit lang kasi baka walang patutunguhan yung nararamdaman ko para sakanya, baka di niya ako mahalin rin o kahit magustuhan man lang! baka tinuturing niya lang akong kapatid eh, at yung mas masakit rin ay yung kahit alam mo ng walang kang pag asa sakanya mas nadudurog pa yung puso pag nakikita siyang may kasamang iba na masaya siya, na mas masaya sya sa iba kesa pag magkasama kayo!

"HOYYYYY!!!!!!!!" Sambit sakin ni dyll pero di ko pinansin, bat ba kasi siya pa? bat pa yung bestfriend ko?

"HOYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!" Sinisigawan naako ni dyll ehh ang sakit sa tenga, sisigaw pa talaga eh magkatabi lang naman kami eh

"Anong bang problema mo hah??!!" Sambit ko sakanya habang nakatingin sa mukha niya

Bigla niya inangat yung kamay ko at nakita kong dumudugo na pala, di ko namalayan na may hiwa na pala

"Anong bang iniisip mo hah?!!!!" bakas sa boses ni dyll na nag aalala sya at may kunting galit

"A-ahh w-wala" Ayokong sabihin sakanya baka mas mag alala pa siya ehh

"Yung totoo?!" Nag aalala nga siya

"Wag mo na akong intindihin si-sige cr muna ako" sambit ko at nag weak smile

"Osige hugasan mo yan okey?" ngumiti naman sya ulit

"AYE AYE CAPTAIN" habang naka salute ako sakanya, ginulo naman niya yung buhok ko at tumawa ng mahina

Umalis naako dun at pupunta ng cr pero napadaan ako sa room ni kuya keith and yeahh pinsan ko nga pala si kuya KEITH MILES DELSON mommy niya at mommy ko ay magkapatid

At kahit may prof sila ay tumingin sakin si kuya keith at nginitian niya ako pero ng tumingin sakin si theo biglang kumabog ng matindi yung puso ko, umiling nalang ako, at tumakbo papunta sa cr

*CR*

Hinugasan ko na yung may hiwa ngayon ku lang naramdaman yung sakit siguro namanhid ako-

--------------------

Pag balik ko sa school kitchen ay biglang nalang nag bell hudyat na lunch na, nag silabasan niya yung mga classmates ko

lumabas na rin ako at si dyll? ayun pina una ko na, papunta naako ngayon sa canteen habang dala ko yung lunch box ko, nang makita ko si menchie na papalapit sakin,ngumiti naman ako sakanya well mukha naman siyang mabait

"Hi Pearl" Sambit sakin ni menchie

"Hi rin menchie" sambit ko lang sakanya habang nakangiti

"Anong pagkain mo ngayon?" sabi ni menchie habang nakangiti ang ganda nga niya pag naka ngiti

Pinakita ko naman sakanya yung lunch box na may braised chicken with cabbage na niluto ni yaya mary para sakin

"ahh sarap niyan ahh, sabay na tayo?" sabi niya habang nakangiti parin, yung totoo may topak ba tohh? dwejk

"Tara hehe" well gusto ko rin yung attitude niya, friends naman din kami ehh

Papunta na sana kami sa canteen ng makita namin si Theo. Lalapit na sana ko kaso kasama pala niya si Kierra.

Umatras ako at naglakad papuntang open field sa may mga bench doon habang nakasunod lang si Menchie.

Menchie: oh ano nangyari sayo? Bakit ka umatras.

Pearl: Menchie

Menchie: Bakit ba kasi?

Pearl: Bakit ako nasasaktan?

Menchie: Kay theo noh? Kasi nadevelop ka na.

Pearl: Hindi pwede!

Menchie: Bakit?

Pearl: Magbestfriend kami!

Menchie: So?

Ako: At never magiging kami! Kasi magkaibigan lang kami.

Menchie : Sinabi ko narin yan sa sarili ko ehh. kaya wag ka masyadong magdidikit dun. Laking pa-fall nun diba? Ayan, hulog ka na din.

Pearl: ano gagawin ko?

Menchie: Saluhin mo sarili mo. No choice ka eh. Talo ka. Ikaw unang nainlove.

Natigilan kami ni menchie sa pag uusap ng papunta samin si theo kasama si keirra

di ko na mapigilan sarili ko kaya tumakbo ng walang paalam kay menchie.

......

Your Author:

-Snowhytell_EM-

wait the next ep...mwuahhh









Captivated By My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon