|| Chapter Twenty Two - Sana... ||

175 8 2
                                    


October 1982 (9 years later the last date [February 1883] which means 20 years old na sila dito, this happens a month before the events of ALYFTP)

Lyn's POV

"Binibining Lyn! Binibining Lyn! Kayo po'y bumangon na!" Naririg kong tawag sa akin ng isang babae habang nakapikit parin ang aking mga mata.

At noong sa wakas ay binuksan ko na ang aking mga mata, nakita ko na ang gumigising pala sa akin ay ang aming katulong na si Tina.

"Binibining Lyn! Kayo po'y maghanda na! Nasa ibaba po ang inyong matalik na kaibigan! Napakagwapo niya po ngayon!" Sabi niya sa akin. Parang mas natutuwa pa siya kaysa sa akin! Siyempre ako ay natutuwa rin dahil nandito ang aking matalik na kaibigan, ngunit araw araw naman siya nandito. Sabado nga pala ngayon! Kaya pupunta kami sa hardin ng rosas, ginagawa namin yun tuwing sabado... Mahilig kasi ako sa rosas.

Sana ay habang buhay kaming magkasama... at walang humadlang sa aming... ???

Aming pagmamahalan?

Hindi ako sigurado kung pareho kami ng nararamdaman ngunit ako, siguradong sigurado ako na siya ang nilalaman ng puso ko...

Ngayon, sinuot ko ang aking paboritong saya at sinuot ko rin ang regalong kwintas sa akin ng aking matalik na kaibigan na may pulang rosas na disenyo.

Pagkatapos kong magayos ng aking sarili, agad agad akong bumaba mula sa aking kwarto at nakita ko ang isang napakagwapong nilalang at ang nagiisang nillalaman ng puso ko...

"Lazaro!"

Pagtawag ko sa kanya na siyang napansin naman niya at binigyan ako ng napakatamis na ngiti na siyang nagpabilis ng tibok ng aking puso.

"Lyn! Mabuti naman at ika'y handa na... Ako'y nagbalot ng pagkain na maari nating kainin ngayon sa hardin." Sabi niya sabay ipinakita sa akin ang dala niyang pagkain na nakalagay sa mga bayong.

Napatawa nalang ako ng mahinhin.

"Mabuti naman at may pagkain, ako'y nagugutom na rin eh..."

"Cuenta?" Tanong niya sa akin at ngumit, ako'y ngumiti din pabalik.

"Cuenta!"

Naglakad kami palabas papunta sa kalesa. Pagdating namin sa may kalesa, ako'y pinagbuksan ng pinto ni Lazaro. Nginitian ko lang siya at pumasok na sa kalesa. Pagkatapos kong pumasok, sumakay na rin si Lazaro.

Siyam na taon na ang nakalipas simula noong nagkita kami ni Lazaro. Unang beses na nagkita kami ay nagkabanggaan kami malapit sa hardin ng rosas habang tumakbo ako palayo sa isang batang lalake na hindi ko na maalala ang mukha dahil hindi ko siya masyadong pinansin. Simula noon ay palagi na kaming nagkikita ni Lazaro. Noong taon din na yun ay kinailangan kong bumalik sa Espanya para ituloy ang aking pagaaral, ngunit hindi kami nawalan ng komunikasyon sa isa't isa dahil palagi kaming sumusulat sa isa't isa. Tinutulungan din naman ako ni ina upang maihatid ng maayos ang mga sulat na iyon kay Lazaro. Noon din, nalaman kong pareho kaming nabibilang sa mayaman pamilya. Sa sumunod naman na taon ako'y umuwi na dito sa Pilipinas dahil aking kinumbinsi ang ama't ina na dito na lamang ako magaral sa mga susunod na taon at pumayag naman sila. Kaya dahil doon halos araw araw kaming magkasama ni Lazaro.

At sa paglipas ng mga taon at habang ako'y tumatanda na, unti unting nagbago ang nararamdaman ko kay Lazaro. Akala ko noon, hindi na hihigit sa pagkakaibigan ang magiging pakikitungo ko kay Lazaro ngunit isang araw bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko noong nagkatinginan kami ni Lazaro. At doon, inamin ko sa aking sarili na nahulog na ako para kay Lazaro. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya... At wala na akong ibang mamahalin pa...

Reincarnated to LOVE YOU (AILYFTP book 2) - DISCONTINUEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon