Kabanata 8

632K 13K 1.2K
                                    

Thank you beshy, @iamgelgamit for the covers ☺️ (Di ko alam Watty username mo. 😢)


---

Miru woke up in darkness except from the faint light coming from the lampshade at the bed side table. She was under the blanket, naked. She gasped and immediately investigated her body if there's something different. She's not that sore, thank God. Napatingin siya sa pulsuhan niya at nakahinga siya ng maluwag nang wala nang tali doon. Napapikit siya at inalis ang kaba. Wyatt did not took advantage of her when she was asleep. She's scared that he would.

Napahilamos siya nang palad sa mukha nang buong pagsisi at tinanong ang sarili kung bakit niya hinayaang umabot sa ganong sitwasyon. Men cannot see her weaken. They cannot use s*x on her. They cannot treat her like how her mother was treated. Dapat ay iba siya kung ayaw niyang pagdaanan ang pinagdaanan ng kanyang ina.

Stupid, Miru, ano naman ngayon kung yummy siya? At magaling siyang humalik at humaplos? Dahil lang ba doon ay bibigay ka na? Twenty-four fcking years you have guarded yourself, itatapon mo na lang ba basta?

Napansin ang isang note na nasa tabi ng lampshade habang nagmumuni-muni. Agad niyang kinuha iyon at binasa.

'Get dressed. Dinner at Gyros. I will be waiting.'

Wala iyong pangalan pero wala namang ibang maglalagay 'non kung hindi si Wyatt. Nakaramdam na din siya ng gutom pero napagdesisyunan niyang mag-shower muna. Pagkatapos tuyuin ang buhok ay isinuot niya ang isang yellow mini dress na sumasayaw ang laylayan. 

Hindi na siya nag-abalang mag-make up pa. Hindi niya paghahandaan ang Wyatt na iyon at alam na niya ang sasabihin niya dito. Makikiusap siyang huwag siyang pakialaman habang nasa Temptation Island siya at hindi niya din ito guguluhin o tutuksuhin. She almost lose herself awhile ago and that cannot happen again. Wyatt screams danger. Naniniwala na siya doon. Kung sakali ay baka ito pa ang ikabagsak niya bago pa man niya maisagawa ang planong pagpapakilala kay Lemuel Tanjuatco sa paraang gusto niya, ang mas malala pa ay makapagluwal siya ng isang bata na lalaki din na kagaya niya kung magiging pabaya siya.

No, that cannot happen.

Hindi niya alam kung saan ang restaurant na tinutukoy ni Wyatt. Sakay ng kanyang personal golf cart ay sinipat muna niya ang kadiliman ng paligid at nilinga muna ang kabuuan ng isla bago patakbuhin ang maliit na sasakyan. Sinundan niya ang mahinang tawanan at bahagyang liwanag na malayo sa cabin. Nilagpasan niya pa ang lobby. Indeed, the Temptation Island was well-executed. Sinadyang malayo ang restaurant kung saan pupwedeng magkasiyahan para hindi maapektuhan ang nasa cabin na namamahinga. The third to the first restaurant she saw was 'Gyros'. She parked her golf cart among other carts and went in.

A soft Grecian music graced the whole restaurant. Maliliwanag ang ilaw at makukulay ang pader at ang mga plato sa paligid. Nginitian siya ng attendant at ibinigay niya ang kanyang pangalan. Iginiya siya nito sa lamesa nila ni Wyatt. Among the sea of people chatting and eating at numerous round tables, she could vividly see  him. Silently waiting for her. Hinila niya ang sariling upuan at tinaasan ng kilay si Wyatt nang makaupo. Inalis naman nito ang magkasiklop na palad sa lamesa at tinapunan siya ng tingin. Kinuha niya agad ang menu at pinasadahan iyon bago kausapin si Wyatt.

"Greek salad, please." Ngumiti siya sa nag-iintay na waitress. Wyatt order food for himself. Nagtaka siya sa dami 'non. With body like his, it is impossible that he has an appetite of a pig.

Tumaas muli ang kilay niya nang iwanan na sila ng waitress, may sumilay na ngiti sa labi ni Wyatt at nainis siya na parang tinutuya pa siya 'non. "What?" She hissed.

Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon