She woke up on the smell of garlic and someone talking somewhere.
Ipinalibot niya ang mata sa cabin kung saan siya nagising. She didn't realize earlier that it is a huge cabin. Merong sariling pinto para sa kuwarto. It was made from nipa and bamboo but fully airconditioned. Palagay niya ay mahal ang maintenance ng ganitong uri ng kubo dahil sa simpleng materyales ang ginamit dito. Lumapit siya sa bintana at itinulak iyon. Sumabog sa kanya ang manipis at puting kurtina pati na din ang magandang tanawin ng dagat kasama na ang tirik na araw sa likod ng bundok. It is like the exact scenery of her usual drawings when she was a kid.
Sa tabi ng bintana ay isang pinto. Nilapitan niya iyon at binuksan din. The same view, only that you can go out through it and have a coffee at the table that was part of the cabin. May lamesang gawa din sa kawayan dito.
Wala ngang masyadong tao sa tabing dagat. Which is weird because the place is really majestic to ignore. Pumasok siya muli sa loob ng silid. Nilakad ang palibot ng cabin, sa labas ng silid ay ang sitting room na merong modernong couch na kulay green at flat screen TV. Sa tabi non ay dining table, at meron pang isang entrada na may baitang paibaba at palagay niya ay kusina iyon at doon nanggagaling ang amoy ng mabangong almusal. Dumiretso siya doon at nakita ang likod ni Wyatt, topless, he's just wearing a board shorts loosely hanging on his waist. Humarap ito at napalunok siya sa imahe ng v-line nito, nahirapan siyang itaas ang tingin sa mukha ng binata na parehas din naman masarap titigan.
"Nagluto ka?" Nagtatakang tanong niya para bawiin ang atensyon. Wyatt never cooked. Wala itong alam sa kusina ang worse, he panics just by hearing the sizzles on the pan.
He smiled, "I watched youtube tutorials, madali lang pala." Iniangat niya ang cellphone niyang merong nagsasalitang Chef at nag-eexplain ng sinangag.
May nakahandang sinangag sa hapag, pritong isda, salted egg at kamatis.
"Binili ko sa mga bangkero doon sa 'di kalayuan habang tulog ka. There's a small community near the resort. Let's eat at the terrace?" Anyaya nito.
Tinulungan niya ito sa pagbitbit ng plato at kubyertos para dalhin sa nakita niyang maliit na terrace sa unahan ng cabin, meron ding access mula sa main door. Umupo silang magkatapat sa isa't isa.
"Kumakain ka ba talaga nito? Bakit hindi ka bumili sa restaurant?" Tanong niya.
"Yes, I eat everything, thank you. Walang restaurant ang resort, the six cabins are for guests, kailangang magbaon o bumili ng mga guests."
"That's inconvenient."
"This resort is shutting down, Miru."
Nagsalubong ang kilay niya. Nanghinayang. Masyadong maganda ito para i-shut down. Kailangan lang sigurong i-revamp ang marketing strategy nito dahil bukod sa malayo ay medyo tago din naman.
"Well, nakakalungkot. Maganda sana ito kung.." Pinalibot niya ang tingin sa paligid. Humalukipkip naman si Wyatt, handang makinig.
She sighed. "The materials are cheap but the maintenance is expensive. Hindi masyadong nagtatagal ang bamboo at ang pawid. Tuwing may malakas na ulan, madaling masira ng hangin ang ilang parte nito. If they really aim to have a province feels, they could have used mahogany, matibay na klase ang kahoy na iyon pero hindi ganoon kamahal."
"Where did you learn that?" Nangingiting tanong ni Wyatt.
"I may not be schooled but it is just common sense. Mahilig akong magbasa ng mga architectural and interior design books." Mayabang na sabi niya, "Isa pa, wala silang personal service from the reception going here. Paano yung mga nagcommute lang? We almost drove 2 kilometers early this morning. Mapuno ang paligid at nakakatakot kung gabi. Paano kung merong emergency? Yung mga nanay na merong anak, magdadalawang isip na magtungo dito."
BINABASA MO ANG
Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHED
Fiksi UmumA Collaboration with Race Darwin and Cecelib
