Kabanata 23

555K 12.3K 3.3K
                                        

Maki Say's: Play the music for feels.

--

Pagod na pagod si Miru sa araw araw na pinagdadaanan niya sa opisina. It is not as bad as it seem, actually. Masayahin naman ang mga empleyado at mabait sa kanya. It is just that Wyatt gave her tons of task and it is irritating!

Kagaya ngayon, ngumnguya siya ng sandwich habang ina-analyze ang sales report noong nakaraang buwan. Hindi pa iyon ang malala sa lahat ng reports na nakita niya pero ngayon pa lang ay parang gusto na niyang ilubog ang ulo sa yelo. Madilim na sa labas at mukhang siya at si Wyatt na lang talaga ang naiiwan sa opisina.

Her phone rang and she answered it, frowning. "Hello."

"Ay, ang sungit." Maarteng sabi sa kabilang linya. Tiningnan niya pa kung sino ang tumatawag mula sa kanyang phone screen. Napapikit muna siya at huminga ng malalim para hindi mabugahan ng apoy ang kausap.

"Adrian."

"Hello!" Masayang masaya ito.

"Why?"

"Ay ang sungit talaga!"

"Adrian.."

"I am getting married!" Tumili ito sa kabilang linya at kailangan niya pang ilayo sa tainga niya ang cellphone.

"What? Like, how?"

"Of couse a symbolic wedding lang. Siyempre parehas kaming boy."

"Wow, really?" Bilog na bilog talaga ang mga mata niya.

"Ay, three-syllables lang talaga ang kayang sabihin?"

"Sorry. Eh kasi naman, lubog ako sa trabaho. Sobrang toxic." Bulong niya pa, baka kasi marinig siya ni Wyatt at kung ano pa ang sabihin nito sa kanya.

"Okay, I understand. Pero hindi ko maiintindihan kapag hindi ka nagpunta sa Bachelor Party namin ha."

"You'll invite me?"

"Ay hindi. Kinuwento ko lang para mainggit ka. Siyempre invited ka, ano ka ba? You are the reason why I am who I am right now. And I have a request."

"Request?"

"Can you do a sexy dance number for us? Puro naman kami gays don. Paminta. Sige na. Nakakamiss ka na panoorin sumayaw."

"Don't tell me gusto mo pang magbago ang preference mo?"

"Ay naku, wit! I am so inlove. Naalala mo yung nakilala ko sa Temptation Island, we just clicked. And boom. We want to get married."

Sinabi sa kanya ni Adrian ang detalye. Naexcite siya dahil gagawin iyon sa club ni Melody sa next weekend. Nag-inat siya. Hindi na tuloy mawala sa kanyang isip ang imbitasyon ni Adrian at ang kagustuhang pumili ng kanta para doon. Pasimple niyang sinilip si Wyatt mula sa opisina nito. She has her own office, yun ang opisina ni Wyatt ang ang ginagamit ni Wyatt ngayon ay ang sa Daddy niya. Magkatapat lamang iyon at may kani kaniyang pinto. Sa pagitan ng opisina nila ay dalawang opisinang magkatapat para sa tig-isang sekretarya. Malia, the secretary of Lemuel servers her while Tristan, a male secretary, serves Wyatt. Parehas itong lumabas na. It is really late, past 9 exactly. Nakapag-dinner na siya bago umalis ang kanyang sekretarya. Tuwing dumaraan nga sila ni Wyatt sa operations' floor ay wala na talagang tao.

Naghanap siya ng music mula sa kanyang cellphone at kinonekta ang bluetooth speakers niya ang music. Inalis niya ang suot niyang blazers at ang kanyang dress. Natira ang suot niyang cycling shorts at ang itim na bra. Dinama niya ang panimulang nota ng tugtuging pinili niya.

Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon