Hindi niya alam kung saan siya papunta. She heard him calling her but she didn't bother to look at him. Hanggang sa makarating siya sa isang malaking bato, mabilis siyang nakaakyat doon. A skill she learned when she was a kid. Noong naniniwala pa siyang nawawala siyang kapatid ni Spiderman.
Nakita niya sa ibaba si Wyatt. Hinahanap siya. Gusto niyang pumulot ng mas maliit na bato para saktan ito pero wala siyang makita hanggang sa hinihingal na tumingala ito. Napaatras ito nang makita siya sa ibabaw ng malaking bato.
"Miru, mag-usap tayo."
Umiling siya. Taas ang noo. Kunwari'y hindi nasaktan.
"Come on, bumaba ka diyan. How the heck did you get there?"
"Hindi ako bababa." Umirap siya.
"Okay, kung hindi ka bababa, I'd assume that you are jealous."
Tumaas ang kilay niya. Sinusubok ba ni Wyatt kung hanggang saan ang pride niya? Kailan pa siya nagkaroon ng ganon? Not today, sweetheart.
"Yes, I am jealous. Alam mo? Crush kita. Willing sana akong ligawan ka. But I just realized that you are a pig so I've changed my mind." Umingos siya, mayabang na humalukipkip as if hindi siya nagtatapat ng feelings niya. As if hindi siya nasaktan kahit wala naman siyang karapatan. Titigilan na talaga niyang mag-isip ng advance!
"What?"
"Hindi ko na uulitin. You are such a pig, sa lahat ng ginagawa mo sa isla, pinakanakakadiri yung pagiging manwhore mo. Eiwww!"
"This is Temptation Island, Miru! We can fck anyone, anytime."
"Then why am I not allowed to do that? Bakit mo ba ako sinasabotahe? You don't want me to be happy? I get it."
"You want me to let you? Fine, get down here."
"Not until you promise that you will not meddle on my business ever again."
"I promise." Napabuga ito ng hangin.
Mabagal niyang ipinadulas ang sarili sa bato. Masama ang tingin niya kay Wyatt.
Finally, freedom! Hindi na siya papakialaman ng binata. Taas noo niya sanang lalagpasan ito nang makarinig siya ng pag-click kasabay ng malamig na bagay sa kanyang pulso. Napaatras siya, iniangat ni Wyatt ang parehas nilang kamay na magkadugtong dahil sa isang posas. Nakaangat ang sulok ng labi nito.
"Hoy!" Galit niyang hinila ang sarili pero sumunod ang katawan ni Wyatt sa kanya. "Asan ang susi nito?"
Tumingala ito, ang isang kamay ay isinuksok sa bulsa, "Ewan ko."
Hinampas niya ito gamit ang malayang kamay, "Sabi mo you will not meddle on my business again!"
"Hindi na nga, last na 'to. Papakawalan kita kapag nakinig ka sa akin. At napatawad mo ako."
"You are not even saying sorry! And why would you apologize?"
"Because as your crush, I made you jealous. Hindi tama yung ganon." (Author's note: Sana all)
Dumikit ang braso nito sa kanya. Their hands, inch apart. Wyatt's pinky finger grabbed hers and hooked it. Hindi niya maialis. Galit niyang tiningnan ang alon na lumalayo na sa pampang at sinusundan na ang buwan. Binalot na ng kadiliman ang buong isla. Ang malamlam na ilaw lang sa mga cabin ang nagsisilbing liwanag sa kanilang daan at ang di kalayuang mga establishments. Ang preskong hangin ay sinalubong sila, unti-unti siyang pinakalma.
"That was nothing." Hiniwa ng baritonong boses ni Wyatt ang katahimikan.
Nothing? Walang saplot ang babae, nothing! Hindi niya inisantinig kahit nagpupuyos ang damdamin.
BINABASA MO ANG
Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHED
General FictionA Collaboration with Race Darwin and Cecelib