Maki Say's: Watch the video for feels.
---
Nakatutok ang mga mata ni Wyatt sa bakanteng upuan sa harap ng almusal. Napansin siya ni Lemuel.
"Miru filed a leave of absence. Hindi ko na rin naabutan. Tumawag lang siya kaninang umaga. She assured to me that she's okay and will be okay."
"Where is she?" Kyuryoso niyang tanong.
"We don't need to know. Hindi sanay si Miru na nagpapaalam. Lumaki siyang mag-isa. I am worried but I don't want to suffocate her."
"Tama, we don't want her to feel that her life really changed when we came in. Baby steps, anak." Ngumiti sa kanya si Esmeralda.
"She promised to be here in time for the welcome party I organized for her."
"Mabuti nga 'yong umalis muna siya so I can surprise her! I will make sure that she will like her first party as a Tanjuatco." Excited na sabi ni Esmeralda.
Dumiin ang hawak niya sa kubyertos. He wants to see her, and talk to her. Kaya niyang hanapin ito, alam niya. Pero ayaw niyang pakialaman ang kanyang mga magulang. Pero paano na lang kung, oh gods. He doesn't want to think about the worst. Hindi niya malunok ang kanyang pagkain kaya naman nang matapos silang mag-almusal ay gumawa siya ng tawag sa isang taong hindi maaaring magsinungaling.
"Sister Geraldine.." Bulong niya sa kabilang linya.
He knows he can find her.
--
Sabi nila, maigsi lang ang buhay. But she couldn't fathom why it should be so short for a kid like Teptep. Hindi niya alam kung anong klaseng iyak ang gagawin niya sa chapel para magmakaawa na buhayin pa ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung paano siya maririnig nito.
Midnight when she received the bad news. Dumiretso siya sa airport at hindi na ipinaalam kay Lemuel ang nangyayari. Nagluluksa na siya sa eroplano pa lang.
"Ang daya Mo." Bulong niya habang magkasiklop ang kamay at nakatingala sa loob ng chapel ng ospital sa Singapore.
"Sabi Mo mahal mo ang mga bata." Pinunasan niya ang luhang panay ang pag-agos. "Kaya ba gusto Mo silang makasama agad? Sana hindi Mo na lang sila ipinakilala sa amin. Sana hindi ko na lang sila minahal kung kukunin Mo lang paulit-ulit." She was crying hysterically. Painfully. Until a warm body covered her into a tight embrace. Galit niyang nilingon kung sino man ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Asik niya. Hindi niya ipinaalam kung nasaan siya. Wala ito dapat dito.
"I called Sister Geraldine. I heard the news. I am so sorry."
"No you are not sorry. Masaya ka ba na mas nasasaktan ako ngayon? Ito ang gusto mong makita mula sa akin, hindi ba?"
"What? No! Miru, wala akong iniisip na ganyan. Malungkot ako para kay Teptep at para sa'yo."
"Hindi ka malungkot. Wala kang pakialam! You don't trust people. You don't care about them—"
"I care about you."
"You never did." Nagtaas baba ang kanyang dibdib. "You are happy to see me mourning because you still think that I played games on you. Umalis ka, Wyatt. I don't need you! I don't need anyone else!"
Imbes na pakinggan siya ng binata ay binalot lang siya nito muli ng yakap. Hinayaan na lang niya ito. Wala na siyang lakas pa para lumaban. Hindi na niya kaya ang sobrang pighati at lungkot.
She was really emotional. Wala siya sa huling paghinga ni Teptep. Marahil alam nito na tututol siya at pipilitin niya itong lumaban pa. Marahil ay napapagod na talaga ito. You can't really fight for someone who have long gave up the battle.
BINABASA MO ANG
Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHED
General FictionA Collaboration with Race Darwin and Cecelib