Kabanata 17

601K 12.9K 2K
                                        

            


"You are the famous art curator of Deviche Museum. Hindi ako makapaniwala na ikaw ang dine-date ng anak ko." Naglalakad sila sa garden ng Angels of Hope. Si Wyatt naman ang naatasan na magbasa ng bedtime stories sa mga bata kaya hindi na nakaangal ito na ipaubaya siya sa sarili nitong ina.

"I am sorry, Ma'am. Hindi po kami nagde-date ng anak niyo. Alam ko pong nakakapag-alala na isang kagaya ko ang—"

"What are you talking about? I like you for my son. I think you are a good influence. Matagal nang hindi naniniwala yan sa mga charitable institutions ang batang iyan. At simula nang.." Hindi nito itinuloy ang sasabihin, malamyos itong ngumiti at hinawakan siya sa kamay, "I can see that my son is happy. Thank you."

Palagay niya ay hihimatayin siya anumang oras. This meeting was least expected. Ilang taon niyang pinag-isipan kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakasalubong niya sa kalsada ang isa sa mga Tanjuatco pero ngayon ay nasa harapan na niya ito at wala siyang ginawa kundi ngitian ito at buong respetong pakitunguhan ito.

The woman is gentle and really mother-like. Soft spoken and nurturing. Mukhang sabik ito sa kausap dahil amused na amused ito sa kaniya. Or, wala pa talaga itong nakilalang babae na naugnay kay Wyatt matapos kay Rafaela Montenegro.

"Can I ask for your number? I want to visit Deviche Museum and I want to make sure that you're there. Tour me around."

Alanganin siyang tumango. Kung hindi niya kasi ibibigay iyon, ano naman ang dahilan niya? 

Esmeralda Tanjuatco talked about her recent adventure in Milan while waiting for Wyatt finished his task. Milan was her dream destination, hindi niya napigilang ipakita ang paghanga niya sa kwento ng babae. She was all ears while smiling.

"Don't worry, Hija. On my next trip, I will plan to bring you with me. You deserve to see the actual arts in Milan, and the other parts of Europe! Malaking tulong iyon sa pagiging curator mo. Hay, only if my two boys could just accompany me, pare-parehas nga lang silang busy."

"You don't have to, Ma'am. Nakakahiya—"

"Anong nakakahiya? I really want to have a travel buddy. Ang hirap na walang anak na babae! Hindi kami magkaintindihan ni Wyatt, although I love my son. You know what I mean." Umismid ito habang patuloy sa paglalakad. "And please refrain on calling me 'Ma'am', call me Tita Esme or better yet, Mommy."

"Mom."

Sabay silang napalingon sa baritonong boses ni Wyatt. Esmeralda giggled. Hindi naman niya maipinta ang mukha niya. Nakaramdam siya ng hiya.

"Stop pressuring Miru. We are just friends."

"Friends? I don't believe you! You like her." Akusa ni Esmeralda sa sariling anak. Pagkakataon naman ni Miru na palihim na matawa pero tinaasan siya ni Wyatt ng kilay. Tumikhim siya at umayos ng tayo.

"Miru's tired. Ihahatid ko lang siya sa apartment niya. Mauna na kayo sa bahay."

"Alright, drop your friend home. I really don't mind if you won't come home soon, Son." Kumindat muli ito sa kanya, napangiti na lang si Miru. May pagka-pilya din ang ginang at sinasadyang kulitin ang anak.

"Mommy, please." Kulang na lang ay lumubog si Wyatt sa kinatatayuan nito.

Miru just smiled, watching the closeness of the mother and son. She kissed Esmeralda on the cheeks to help Wyatt in restraining his own mother. The old lady stopped whining and smiled brightly like sunshine.

"Oh, she's so sweet! I really like her! Goodnight, Hija! I will call you soon!"

Kumakaway pa itong nagpaalam sa kanilang dalawa. Napabuntong hininga si Wyatt nang hindi na makita ang ina dahil sumakay na ito sa sundong Jaguar. Nag-aalala itong tinapunan siya ng tingin.

Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon