BALANG ARAW

359 12 3
                                    

Balang Araw

Bakit kulang pa ba?

Lahat nilaan ko na ngunit bakit ka nakahalumbaba

Ang puso ko'y nahuhulog na dahil sa kalungkutang iyong nadadama

Ngunit umaasa pa din akong maging tayo balang araw.

Balang araw ay kusang bubukas din ang iyong pusong nakatago

Nakatago sa kailaliman ng iyong kalungkutan

Wala sa aking apelyido ang salitang sumuko

Subalit nakasiksik sa aking puso ang katagang sumubok.

Sinusubukan kitang mahalin ng tunay

Tulad ng isang agila sa papawirin

Lumilipad ng walang humpay

Nanaisin mo kaya akong mamatay?

Matagal na akong patay na patay sa iyo

Maari bang makisuyo?

Pabalik naman nang puso ko

Isa ka palang manggagantsyo!

Ninakaw mo ang munti kong puso

Sana naman maging akin kana.

Ililibre kita ng kahit ano sa kahit saan

Hindi ka kailanman maalis sa aking Isipan.

Palagi akong nagda-day dream

Naging tayo na, sabay tayong nagtatawanan

Natupad ang hiling kong mapatawa kita

Kahit sa panaginip ko lang nakita.

Hindi naman masamang umasa 'di ba?

Inaasahan kong maging tayo, pwede ba?

Hindi ko na kayang maghintay pa

Kaya naman inilaan ko na lahat ng aking oras para sa iyo.

Nandito na ang iyong Prinsipeng hinihintay

Magmamahal sayong walang humpay

Lahat kayo kong gawin para lang sa aking babaeng aking minamahal.

Natalo ko na ang kape na 3 and 1 walang kapantay.

Pag matanda na tayo'y aalagaan kita

Kahit baluktot at kulubot na an gating katawan

Mamahalin pa din kita kahit ako'y napapagod na

Babalikan ko lang ang alaala nating dalawa, swak na!

Palabog na ang araw sa Manila bay

Wala na ba akong masasay?

Konting tiis nalang aking buhay

Malapit na akong mag-babye

Sana naman sa susunod nating pagkikita

Ay marami kang maalaala

Balang araw ay walang humapy pa din akong aasa

Aasa akong maging tayo at doon ko masasabing happy ang ending n gating pagmamahalan.

Magiging tayo din

Mababatid mo din

Ang paghanga ko sa iyo na ubod ng tindi!

Sana sa paggising ko'y maging tayo hanggang sa huli.

SENTI MODE MUNA TAYO! (PINAGSAMA-SAMANG TULA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon