"ANO? PAYAG ka na ba sa gusto ko?" tanong sa kanya ni Jared.
Salubong ang kilay na tiningala niya ito. Padabog na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tiled floor ng art gallery nito.
"Kapag sinabi ko bang hindi papayag ka?" mataray niyang balik-tanong niya dito.
Tila nang-aasar pang ngumiti ito ng matamis saka umiling.
"Hindi." Sagot nito.
"Iyon naman pala eh. Bakit mo pa ako tinatanong?"
"Wala lang," sagot ulit nito.
"Buwisit!" nanggigigil na wika niya dito.
"Hep Hep Hep! Ceasefire!" awat sa kanila ni Panyang.
"Sinasabi ko na nga ba't wala kang gagawing maganda sa buhay ko eh. Kaya ba wala akong katiwa-tiwala sa'yo!" patuloy pa niya sa pagtutungayaw.
"Friend, awat na." ani Aubrey.
"Ikaw. Ikaw ang may kasalanan nito eh. Sabi ko na sa'yo na ayokong pumunta dito. Kita mo na nangyari." Sermon naman niya sa kaibigan.
"Adelle naman eh, malay ko bang mangyayari 'yon." Naiiyak sa sagot nito.
"Why are you blaming others for your own fault?" si Jared. "Kung nag-ingat ka lang sana, hindi mangyayari ang lahat ng ito."
"Tse! Huwag mo akong kausapin! Ayaw kitang kausap!"
Lalo siyang naiinis sa isang ito. Bakit ba siya napasok sa ganitong klaseng gulo? Kung nanahimik na lang sana siya sa laundry shop niya. Siguradong kumita pa siya. Hindi kagaya dito, nagmagandang loob na nga siyang samahan ang kaibigan. Nagkautang pa siya na milyon ang halaga sa isang iglap.
Diyos ko! Mababaliw na yata ako!
"Uuwi na ako!" sabi na lang niya.
"Teka Adelle, mamaya na." pigil sa kanya ni Aubrey.
Halos umusok ang ilong niya sa narinig. "Maglakad ka pauwi! Basta ako uuwi na! Minamalas ako dito!"
Hindi na siya nagpapigil pa. Walang lingon-likod na naglakad siya palabas ng gallery. Hindi siya makakapayag na maging tsimay ng isang Jared Bandonillo. At kapag mangyari man iyon. Sisiguraduhin niyang magiging impyerno ang buhay nito sa kanya.
"MAMA naman eh! Papayag kayong gawin akong tsimay n'on?" pagmamaktol pa niya sa Ina.
"O sige, huwag kang pumayag sa gusto niya. Ang tanong, may two point eight million pesos ka bang ibabayad sa kanya?" kalmadong tugon ng Mama niya.
Hopeless na napasalampak siya ng upo sa sofa.
"Kainis naman kasi eh!"
"Anak, relax ka lang kasi. Ano ba naman 'yung dalawang buwan na magtitiis ka? Mabuti nga't iyan lang ang hininging bayad sa'yo eh. Hindi ka pa dinemanda." Anang Mama niya.
"Bakit kayo ganyan Mama? Hindi ba dapat kayo ang unang-unang magagalit?" tanong niya.
"Magagalit ako kung pangit ang papasukan mo. Eh ang kaso'y kaguwapo ng batang iyon. Bagay na bagay kayong dalawa, anak. Kung siya ang magiging manugang ko, siguradong ang gaganda at kagaguwapo ng mga magiging apo ko." Mahabang sagot pa ng Mama niya.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo
RomanceTahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabay...