PINARADA ni Jared ang topdown Midnight blue BMW niya sa harap ng Rio's Finest. Kagagaling lang niya sa art gallery. Binista niya iyon, at tiningnan kung ilang painting na ang nabebenta. Tapos ay pumunta siya sa mall at bumili ng bagong paintbrush at ilang pang-kulay para sa latest niyang painting na ginagawa.
Iyon na yata ang pinaka-importanteng painting na ginawa niya buong buhay niya. Hindi niya dinrawing iyon para i-bid o ibenta. He did it especially for the most important woman in his life. Wala halos nakakaalam niyon. Tanging siya lang. At kapag dumating na ang hinihintay niyang pagkakataon para magtapat dito. Saka niya ibibigay ang larawan. It is an ambitious painting. Hindi gaya ng ibang regular na laki ng painting na kadalasan niyang ginagawa. It was a lifesize painting. Mukha lang nito ang pinili niyang ipinta pati na ang hardin nito. Noong una niyang makita ang magandang babae doon, agad na tumibok ang puso niya para dito.
Pilit pa nga niyang pinakuhanan ang babaeng iyon kay Humphrey. Simula noon, tanging ang magandang mukha lang nito sa gitna na magagandang bulaklak ang tumino na isipan niya.
Pero matagal na niyang nakikita ang babaeng iyon. Highschool pa lang siya ay may crush na siya sa kanya. Ngunit hanggang crush at tingin lang ginagawa niya. Hindi siya nagtangkang manligaw man lang. May pagkasuplada kasi siya at tanging pag-aaral lang ang inaatupag nito.
Jared... Take it easy... Baka masira ang lahat... paalala sa kanya ng isip.
Huminga muna siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Nakita niya sa loob ng Rio's ang mga barkada niya. Halos kumpleto ang mga ito. Siya na lang yata ang wala. Pagpasok niya ay inulan siya ng kantiyaw.
"Sa wakas, dumating ka rin." Ani Humphrey.
"Kailan ka ba magbabago, Pare? Lagi ka na lang late." Sabad naman ni Vanni.
"Hindi ko naman alam na magkikita ngayon eh. Naisipan ko lang dumaan dito. Besides, I never came late. You're just too early." Katwiran pa niya. "Ano bang meron?" tanong niya.
Walang sumagot agad kahit isa sa mga ito. Nakatitig lang ang mga ito sa kanya. Parang may hinihintay na anunsiyo mula sa kanya.
"Hoy, ano ba? Bakit ba kayo nakatitig lang diyan? Alam ko, mas pogi ako sa inyong lahat." Sabi pa niya.
"Ang kapal," ani Justin.
"Eh ano nga? Anong meron?" tanong ulit niya.
"Hindi ba dapat kami ang magtatanong sa'yo n'yan, Pare?" ani Roy.
"Yeah, anong ginagawa ni Adelle sa bahay mo?" seryosong tanong ni Leo.
"Kayo na ba?" tanong naman ni Darrel.
"No Darrel, the right question is. Are you two living in together?" pagtatama ni Victor.
Nagkibit-balikat si Darrel. "Right," sang-ayon nito.
"Teka nga, Ang dami n'yong tanong eh." Reklamo niya. "Isa-isa, puwede?" aniya.
"O eh, ano nga? Nakakapagtaka kasing parit-parito si Adelle sa bahay mo. Parang kayo na." sabi ni Ken.
"Eto na nga. Hindi kami, okay? Hindi rin kami nagli-live in. We're not together romantically. It's just purely business."
May narinig siyang suminghap. "Really? You mean?" singit ni Madi sa usapan.
"Honey, huwag ka na munang sumingit sa usapan. Usapan 'to ng mga pogi." Ani Vanni.
"Okay. Sorry." Usal naman nito saka bumalik sa ginagawa nito.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo
RomanceTahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabay...