LAKING PASALAMAT ni Adelle ng makitang naroon sina Panyang at Roy. Kaibigan din pala ng huli ang painter na kaibigan din ni Jared. Ipinakilala siya nito at napag-alaman niyang ito pala si Mauritius Augustus. Humahabol ito sa katanyagan ni Jared bilang isang pintor.
Pagdating nila doon sa Art Gallery na pag-aari ni Jared, sinalubong sila ng mga babaeng may masasamang tingin sa kanya. Hindi alam ni Adelle kung bakit pero may pakiramdam siya na kulang na lang ay sugurin siya ng mga babaeng iyon at sabunutan siya. But somehow, she felt proud. Sa dinami-dami ng alam niyang nagkakagusto kay Jared, siya ang napili nitong isama sa gabing iyon para maging date nito.
"Are you okay?" untag ni Jared sa kanya. naramdaman pa niya nang bahagya nitong pinisilin ang isang kamay niyang nakahawak sa isang braso nito.
"Oo. Kaso ang sama ng tingin sa akin ng ibang babae dito." Sagot niya.
He chuckled. "Huwag mo silang pansinin. Hindi kasi nila matanggap na mas maganda ka sa kanila. Tapos ako pa kasama mo."
Natawa siya. "Yabang."
"No. Seriously, huwag mo silang alalahanin. Hindi ka nila puwedeng galawin hangga't narito ako sa tabi mo." Seryosong wika nito.
Ngumiti siya. Nakadama siya ng kapanatagan ng loob. Dahil sa puntong iyon, alam niyang hinding-hindi siya nito pababayaan.
"You look good together,"
Napalingon sila sa nagsalitang iyon. Ang mag-asawang Panyang at Roy.
"Pare," bati ni Jared sa huli.
"Mabuti naman at sinama mo si Panyang, Roy. Baka kuyugin ako ng mga babae dito." Aniya.
"Sus, huwag mo ngang pinag-iintindi 'yang mga hitad na 'yan. Inggit lang sila kasi mas mukha kang tao kaysa sa kanila." Ani Panyang.
"Tiningnan na ba ninyo ang mga paintings ni Mauritius?" tanong ni Roy.
"Nope. We just got here." Sagot ni Jared.
"Tara, let's check out the whole place." Yaya sa kanila nito.
Habang naglalakad sa buong art gallery, hindi maiwasan ni Adelle na balikan ang nangyari sa lugar na ring iyon. Ang dahilan ng lahat kung bakit kasama niya ang binata ng sandaling iyon. Hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya. Parang sinasabi nito na kahit kailan ay hindi siya nito iiwan.
Tiningnan ni Adelle ang bawat larawan na nadadaanan nila. Maganda ang mga iyon, pero para sa kanya. Mas maganda pa rin ang mga gawa ni Jared. Mas may buhay ang bawat mga larawang pinipinta nito. Bigla ay naalala niya ang malaking painting na nakita niya sa painting room ng binata.
Sino nga kaya ang babaeng iyon? Marahil ay napaka-espesyal nito para pagbuhusan nito ng ganoong klaseng panahon at atensiyon para ipinta nito ang mukha ng babae. Alam kaya ng babaeng iyon na napakasuwerte niya. Bigla ay umahon ang kirot sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng inggit sa babaeng iyon. Parang mas gusto niyang hilingin na sana'y siya na lang ang nasa posisyon nito. Naghari ang selos sa kanyang dibdib. At hindi niya maintindihan kung bakit kailangan maramdaman niya iyon. Hindi nga ba't pilit niyang sinusupil ang bilis ng tibok ng kanyang puso para sa binata. Gaya ngayon, ang kaso naman. Makulit din talaga ang puso niya. Ayaw paawat.
"Adelle, are you okay?"
Napakurap siya nang maramdaman niyang bahagya nitong pinisil ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.
BINABASA MO ANG
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo
RomanceTahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabay...