CHAPTER NINE

10K 207 3
                                    

DAHAN-DAHAN minulat ni Jared ang mga mata niya. Sinalat niya ng likod ng palad niya ang sariling leeg. Medyo nagsubside na rin ang lagnat niya. Salamat na lang at dumating si Adelle at nakainom siya agad ng gamot. Hindi kasi niya alam ang pumasok sa isip niya kanina. Natuwa siya nang umulan kaya't hayun at naligo siya. Kaso, mukhang na-tiyempuhan siya. Bandang magtatanghali na nang biglang siyang samaan ng pakiramdam. At ilang sandali nga ay nilagnat na siya at hindi na siya makatayo pa sa kama.

Nilingon niya ang dalagang himbing sa pagtulog sa gilid ng kama niya. Hawak pa rin nito ang isang kamay niya. Gaya ng hiling niya dito na huwag itong umalis. Nanatili nga ito sa tabi niya. Sinulyapan ni Jared ang oras sa alarm clock niya sa ibabaw ng bedside table. Halos mag-aalas onse na pala ng gabi. Napangiti siya habang tinititigan ang magandang mukha ng himbing na dalaga. Hindi siya makapaniwala na ito ang nag-alaga sa kanya.

Umangat ang isang kamay niya para marahang haplusin ang mukha nito. Habang ang isang kamay niya ay hawak pa rin ni Adelle. Bigla sumiksik sa isip niya ang mapangahas niyang ginawa sa Painting Exhibit ni Mauritius. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kanyang masamang hangin at bigla niya itong hinalikan sa harap ng maraming tao. Ang akala pa nga niya ay magagalit ito at sasampalin siya. Pero nanatili lang itong walang kibo.

Nabuhay ang pag-asa niya na baka may pagtingin na rin sa kanya ang dalaga. Nasa ganoon isipin siya nang unti-unting imulat nito ang mga mata. Sinalubong niya ito ng ngiti.

"Hi," pabulong na halos niyang bati.

"Jared, kanina ka pa ba gising? Pasensiya na, nakatulog pala ako. Kumusta ka na? Mataas pa ba ang lagnat mo?" sunod-sunod na tanong nito. Halata sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya.

"Relax, I think I'm fine now." Aniya. "Well, not so fine. Medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pero mas okay na ako ngayon kumpara kanina."

Sinalat pa nito ng likod ng palad nito ang leeg at noo niya. Saka lang niya nakita ang kapanatagan sa mukha nito.

"Okay ka na nga. Pero medyo mainit ka pa. Kailangan mo pa ring uminom ng gamot." Anito. "Sandali lang, magluluto lang ako para makakain ka na at makainom ka na ulit ng gamot."

Tumayo agad ito. Inayos pa nito ang kumot niya.

"Thanks Adelle," bulong niya.

Isang matamis na ngiti ang agad na natanggap niya mula dito. "Your Welcome."


UMAGA NA ng tuluyang bumuti ang lagay ni Jared. Bumaba na rin ang lagnat nito. Pero pinagbawalan pa rin niya itong kumilos ng husto. Mahigpit niyang bilin na magpahinga muna. Nang lumabas siya ng bahay nito ay mataas na ang araw. Nakakaramdam na rin siya ng antok. Halos magdamag din niyang binantayan ang binata. Tumaas ulit kasi ang lagnat nito kaninang madaling araw.

Hindi niya iniwan ito buong gabi. Alam niyang kailangan siya nito sa mga oras na iyon. Gusto niyang iparamdam sa binata na naroon siya sa tabi sa kahit na anong oras. Gusto niyang iparating dito ang damdamin niya para dito. Matapos ang halik na iyon noong gabi iyon. Nasagot na rin ang matagal nang gumugulo sa kanyang isip. Alam na niya kung bakit ganoon na lang ang bilis ng tibok ng kanyang puso marinig lang ang pangalan ni Jared. Isa lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Mahal niya si Jared. Mahal niya ito at wala nang puwede pang kumwestiyon doon.

Pero sa kabila ng pag-amin niya sa tunay niyang damdamin para sa binata. Bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bigla harangan ni Panyang ang dinadaanan niya.

The Tanangco Boys Series 7: Jared BandonilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon