CHAPTER FIVE

10K 193 6
                                    

"NAKAKALOKA ha? Sino kaya itong saviour mo na bigla na lang nagpapadala ng mga brand new washing machines?" nagtatakang tanong ni Olay habang ini-inspeksiyon ang mga ito.

Nagkibit-balikat siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya alam kung sino nagpadala ng mga iyon. Pilit niyang tinanong ang nag-deliver ng mga washing machines kung sino ang nagpadala, pero ayaw nitong magsalita. Iyon daw ang mahigpit na bilin sa kanila. Huwag sasabihin kung sino ang nagbigay ng mga iyon.

Gustong-gusto pa naman niyang magpasalamat sa taong ito na may gintong puso. Kung sino man ito, ang Diyos nang bahalang gumanti sa kabutihan nito. Hindi nito alam kung gaano kalaki ang nagawa nito sa Laundry Shop niya. Agad na nakalma ang mga customers nila. Mabuti na lang din at nakakiusapan niya ang mga ito na bigyan pa siya ng konting panahon para matapos lahat ng mga damit. Tumulong na rin siya para madaling matapos ang mga damit at ng mai-deliver na agad ang mga iyon.

Kaya pagdating ng gabi ay natapos bigla ang kanyang problema. Kung sino man iyon. Isa siyang anghel na sugo ng langit para sa kanya.

"Mahahalikan ko talaga ang nagpadala ng mga iyan," may kasiyahang wika niya.

"Weh? Sure ka? Paano kung lalaki ang nagpadala ng mga 'yan?" tanong naman ni Panyang.

"Kahit na," sambit niya.

"Sinabi mo 'yan, ha?" paniniguro pa ng una.

"Ano kayang hitsura nang nagpadala n'yan?" tanong ni Olay na nakahalukipkip pa at nakatingala sa kisame ng shop niya, kung saan sila nakatambay. Pilit nitong iniisip kung ano ang hitsura nang nagpadala ng mga washing machines. "Siguro ang guwapo niya." Dugtong nito.

"Paano mo naman nalaman na lalaki?" tanong naman niya.

"Hija, isang masugid mong admirer lang ang mag-aaksaya ng pera para bigyan ka ng ganyan kamahal na regalo. Imagine, kulang kulang fifteen thousand pesos ang isa n'yan. Tapos lima pa. Saan ka pa?" sagot ni Olay.

Napaisip siya. May punto ang bading, in fairness. May malaking posibilidad na lalaki nga ang nagpadala niyon. Pilit niyang inukilkil ang isip niya, baka sakaling magkaroon siya ng hint kung sino ang nagbigay sa kanya ng ganoon klaseng regalo. Kilala niya halos lahat ng nanliligaw sa kanya. Pero sa pagkakaalam niya, average ang klase ng pamumuhay ng mga ito. Hindi kakayanin ng mga ito na bilhin siya ng ganoong kamahal na gamit.

Sino ka ba? Sana magpakilala ka para makapagpasalamat ako sa'yo...

"Tama! Kasi kung babae, kawang-gawa ang ibig sabihin n'yan." Ani Allie.

"Malamang naman, di ba?" Sabad naman ni Panyang.

"Weh? 'Wag lang 'di may masabi oh," tukso ni Madi dito.

"Ay, parang siya rin oh." Ganti naman ng una.

"Hoy, tumahimik kayong dalawa diyan. Si Adelle ang bida dito ngayon, hindi kayo." saway sa dalawa ni Abby.

"Eh sino nga kaya ang misteryosong nilalang na iyon na madatung? Aba'y kasuwerte mo 'pag nagkataon. Mayaman ang magiging jowa mo." Wika ni Olay.

Bigla ay sumagi sa isip niya si Jared. Hindi kaya ito ang nagpadala ng mga washing machines?

Napailing siya. Hindi. Malabo pa sa tubig ng ilog pasig mangyari 'yon. Tanggi niya sa naunang naisip.

"Hmmm... May idea na ako kung sino." Sabi naman ni Panyang.

Naghintay sila ng susunod na sasabihin nito. Pero nanatili lang itong nakatingala at animo nag-iisip.

The Tanangco Boys Series 7: Jared BandonilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon