CHAPTER TEN

15.5K 341 41
                                    

ILANG ARAW na ang nakakalipas simula nang matuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit siya kinuhang housemaid ni Jared. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya. Hanggang ngayon, durog-durog pa rin ang puso niya. Hindi niya matanggap na naging tanga at bulag siya. Kung alam lang ni Adelle na ganito ang mangyayari. Sana'y hindi na lang niya hinayaan ang sarili na mahalin ang lalaking ito. Mauuwi din pala sa wala ang lahat. Ang akala niyang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay ay isa pa lang manloloko.

Namuo ang mga luha niya sa mga mata. Pilit niyang pinigilan ang pagbagsak niyon, pero hayun at tuluyan pa rin tumulo. Kagaya na lang ng pagpigil niya na mahalin ito pero wala din siyang nagawa.

"Girl, okay ka lang?"

Agad siyang tumalikod at mabilis na pinahid ang mga luha niya. Pilit na ngumiti siya kay Lorna.

"Oo," tugon niya.

"Hindi eh. Kilala kita kapag okay ka lang. Matamlay ka pa rin. Ilang araw ka nang ganyan." Anito.

"Huwag mo akong alalahanin, Lorna. Ayos lang ako."

"Kausapin mo na kasi si Jared. Makinig ka muna sa paliwanag niya." Ani Lorna.

"Ano pa bang dapat kong marinig? Ayoko na, hindi ko na kayang makinig sa mga sasabihin niya. Kasinungalingan lang lahat ng iyon." May hinanakit pa rin wika niya.

"Ikaw ang bahala. Pero sa nakikita ko sa inyong dalawa. Pareho n'yo lang pinapahirapan ang mga sarili n'yo."

Hindi na siya sumagot pa. Kung mayroon man higit na mas nahihirapan. Siya 'yon. Dahil siya ang naloko. Siya ang nasaktan.

"May aasikasuhin lang ako sa loob ng washer room." Paiwas niyang wika.

Hindi na niya narinig itong nagsalita pa. Inabala niya ang sarili sa pagtulong sa mga tauhan niya sa pagsasalang sa washer ng mga damit. Bigla ay tumigil siya sa ginagawa. Napatitig siya sa washing machine. Muli ay ang guwapong mukha ni Jared ang sumiksik sa utak niya. Lumabas na lang siya ng Laundry Shop. Kahit saan kasi siya tumingin ay ang binata ang naaalala niya. Paano niya ito makakalimutan?

"Lorna, uwi na lang muna ako." paalam pa niya bago tuluyang lisanin ang laundry shop.

"Okay. Mas mabuti pa nga. Magpahinga ka na lang muna, para ma-relax 'yang isip mo." Anito.

Malungkot na ngiti lang ang tinugon niya sa sinabi nito. Hindi pa siya nakakalayo sa shop nang makasalubong niya si Aubrey.

"Hi friend," bati nito sa kanya.

"Hi,"

"Busy ka ba ngayon?" tanong nito.

"Hindi naman. Bakit?"

"Samahan mo naman ako. May kailangan akong bilhin sa mall eh."

"Gusto ko sana, Aubrey. Kaso wala ako sa mood lumabas." Aniya.

"Ay ano ba 'yan? Sige na, please..." pagmamakaawa pa nito.

"Iba na lang ang isama mo." Wika niya.

"Ayoko ng iba. Ikaw ang gusto kong kasama eh. Medyo matagal na rin simula noong huli tayong lumabas." Tugon nito.

"Next time na lang. I'm really not in the mood."

"Anong not in the mood? Sumama ka na kasi." Sabad ni Panyang sa usapan. Bigla itong sumulpot kasama si Madi at ni Chacha.

"Please. Tigilan na muna ninyo ako." pakiusap niya.

The Tanangco Boys Series 7: Jared BandonilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon