Chapter 1 :)

626 14 0
                                    

"Jerlyn, isoy muna tayo".

Sigaw nung tropa kong si Angelo, babae yan ah? Siyempre hindi ako tumanggi. Di buo araw ko nang hindi nakakatikim ng Yosi e. Pangpa-hyper ko yun e. Sumigaw din ako.

"Sige. Bili ka! Tig tatlo tayo." Hanggang tatlo lang kaya ko pag tanghali. Dyahe kasi magyosi ng tanghali. Nakakaumay! Saka may pasok pako nun. 12-6 pasok ko. 3rd year higschool nako. At sa edad kong to, di na bago kung marunong kana magyosi. Kasi sa panahon ngayon, kahit yata fetus, marunong na magyosi at magdrugs. Addict na mga tao ngayon eh! At isa nako dun. Di ko tinatanggi. :D

Lumapit si Angelo. Inabot niya yung dalawang yosi sa kaliwang kamay ko. Yung isang yosi may sindi na, inabot niya naman sa kanang kamay ko. Edi hithit agad ako. Hithit. Buga. Hithit. Buga. Tapos inom ng Rc. Nakakalutang! Tinatamad na nga ko mag-aral. Mas ayos pang tumambay na lang maghapon kasama mga tropa. Pero kailangan pumasok, dami yatang nag-aantay sakin sa room. Yung mga manliligaw ko, mga tropa ko, mga kaflings ko, ETC. Pagkatapos ko maubos yung tatlong yosi, niyaya ko si Angelo na pumasok na kami. Nandito kasi kami sa tambayan. Walking distance lang to kaya malapit lang sa school.

"Angelo! Pasok na tayo. Dalian mo", sigaw ko kay Angelo. Tinignan niya lang ako. Problema neto? Lumapit nako sa kaniya.

"Problema mo, Gaga?" , sabi ko.

Tagal niya bago sumagot. Tulala lang siya. Baliw naba to? O____o

Binatukan ko siya. Kainis kasi eh! Muntanga lang ako. >.<

Parang bumalik siya sa katinuan. Tapos pag tingin ko ulit sa kaniya, may luha siya.

Nagtaka nako. Kinabahan na din.

Bigla niyang sabi.

"Jerlyn, nabuntis ako ni Mark!", amin niya sabay hagulgol ng iyak.

Sabi ko na nga ba eh! Di kasi nagamit ng protection tong mga to eh! Yan tuloy.

Anong gagawin namin? Ipapa-abort na lang? Sayang yung baby. Kawawa din.

Pero baka makalbo to ng tatay niya. Or worst, baka mapalayas at itakwil sa kanila.

Haller! 15 years old lang to si Angelo. At ako, 16 na. Nung July o4 lang.

Nag-iisip ako. Nag-iisip din siya. Halata naman kasi tahimik lang siya.

Maya maya, dumating si Mark. Yung tatay ng baby niya.

Yosi yosi lang si Mark. Cool pa ng dating. Di pa neto alam na may anak nato.

Nagtaka si Mark kasi naiyak si Angelo. Nilapitan niya kami.

"Ba't ganyan mukha mo? Problema mo?", tanong ni Mark.

Di sumagot si Angelo. Ako, tahimik lang din.

"Anak ng teteng naman oh! May kausap bako?", sigaw ni Mark. Badtrip na yata!

Tinignan ko lang si Angelo. Bigla siyang tumango. Di naman ako bobo para di malaman yung ibig sabihin niya nun. Huminga muna ko ng malalim bago ako nagsalita. -______-

"Mark, tatay kana. Buntis si Angelo". Napayuko ako. Parang ako pa yata yung mas naaapektuhan sa tensiyong namamagitan saming tatlo. Tahimik lang ako pagkasabi ko nun. Si Mark naman, napahilamos niya yung kamay niya sa mukha niya tapos tinapon niya yung hinihithit niyang yosi. Bigla siyang lumapit sa tabi ni Angelo sabay yakap. Sweet talaga neto eh! Inggit ako. Pero yoko pa maging nanay ah? Bata pako. Tapos nag-usap sila. Lumayo lang ako. Napilitan tuloy ako bumili pa ng yosi. Sige. Yosi. Yosi. Yosi. Yosi. Walang katapusang Yosi sa araw-araw.

Pagkatapos kong maubos yung panglabindalawang yosi ko sa araw na yun. Tapos na mag-usap si Mark at Angelo. Pumasok na kami ng school kahit late na kami sa first subject. Kabarkada ko naman yung guard kaya lusot pa din kami. Pagpasok ko sa room, wala palang teacher! Ayos. Lusot na naman ako. Si Angelo at Mark, kaklase ko din. Dun lang sila sa likod, nag-uusap padin. Ako naman, nilabas ko lang yung MP3 ko, soundtrip na lang muna ko.

Young, Wild, && Free. \m/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon